Doktor naloko, nagbayad ng malaking halaga para sa ‘magic lamp’ ni Aladdin

Photo from Pixabay
  • Isang doktor sa bansang India, nagbayad ng humigit-kumulang P4.5-million para sa lamparang inakalang may kapangyarihan kagaya ng sa Aladdin
  • ‘Yun pala’y peke ito at ang genie na nakita niya ay isa rin sa mga suspek
  • Arestado na ang dalawa sa mga nanloko sa doktor samantalang ang isa ay patuloy na pinaghahanap ng awtoridad

NEW DELHI, India — Mahalagang maging alisto at panatilihin ang presence of mind kapag nakikipag-transaksyon sa iba at ‘wag basta-basta magtitiwala lalo na kung mukhang imposible ang iniaalok kapalit ng pera; baka matulad sa isang doktor sa India.

Photo from Pixabay

Napeke ang isang doktor sa bansang India makaraang magbayad ng perang katumbas sa atin ay P4.5-million para sa diumano’y mahiwagang lampara na inakalang kagaya ng nasa pamosong fairy tale na Aladdin.

Nagbayad si Dr. Laeek Khan sa mga ka-transaksyon ng tinatayang seven million rupees o nasa $93,000.00 para sa lampara.

‘Yun pala, naisahan siya ng mga katransaksyon. Kalaunan ay napagtanto pa na ang nakita niyang “genie” ay isa rin sa mga suspect na nagkunwari lamang.

Ani AFP senior officer Amit Rai, naaresto na ang dalawang lalaking kasangkot sa panloloko samantalang ang asawa ng isa na pinaniniwalaang kasama rin ay patuloy na hinahanap.

“The wife of one of these men was also involved in the fraud. She is on the run,” aniya.

Photo from Pixabay

Batay sa reklamo, nagpakilala ang isa sa mga suspect na sila ay mga “occultist” o may kakaibang kapangyarihan at kaya nilang magpalabas ng “genie” mula sa lampara.

Hiniling pa umano ng doktor na hawakan ang genie o maiuwi ang lampara kaya lamang ay tumanggi ang mga suspek dahil baka mapahamak siya; pero nasabi nilang ang pagbili niya rito ay magdadala ng magandang kalusugan, kayamanan at suwerte sa kanya.

Photo from Pixabay

Loading…