DOLE pansamantalang ipinahinto na ang trabaho sa Skyway matapos ang aksidente

Imahe mula sa Facebook/ DumagueteNews
  • Ipinatigil pansamantala ng DOLE ang trabaho sa Skyway Extension project
  • Ang work stoppage order ay para sa kahabaan ng proyekto mula Susana Heights hanggang Sucat
  • Nakatakdang mag-usap ang mga opisyal, contractor at subcontractor ngayong Martes tungkol sa insidente

Ipinag-utos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pansamantalang pagpapahinto sa ginagawang Skyway Extension project sa Muntinlupa matapos ang aksidente noong Sabado ng umaga.

Ayon kay DOLE spokesperson Rolly Francia, ang work stoppage order ay nagmula sa NCR regional director ng kanilang tanggapan at ito ay para sa contractor at subcontractors ng nabanggit na proyekto.

Skyway Extension project| Imahe mula sa Business Mirror

“To address the problem, the Regional Director of the National Capital Region Atty. Sarah Mirasol issued an order suspending the work in the construction site of the Skyway project. She directed the contractor, EEI corporation, and its subcontractors to stop the project,” ayon kay Francia.

Saklaw ng order ang kahabaan ng Skyway extension mula Susana Heights sa Muntinlupa City hanggang Sucat sa Parañaque.

“Ang pagpapahinto po ng construction ay para magbigay daan sa investigation at upang malaman kung may violation na na-commit sa constuction site. To determine din if may paglabag ba sa occupational safety and health standards,” giit pa ng opisyal.

Imahe mula sa BWO

Ang suspension ng trabaho ay mananatili hangga’t hindi ito tinatanggal ng DOLE-NCR office, ayon pa kay Francia.

Nauna nang sinabi ng DOLE na posibleng papanagutin sa insidente ang project owner, contractors at subcontractors dahil sa kapabayaan.

Isang motorista ang sinawimpalad at hindi nakaligtas habang apat naman ang sugatan sa pagbagsak ng steel girder noong Lunes. Anim na sasakyan kabilang na ang dalawang motorsiklo rin ang napinsala sa nangyaring trahedya na nagdulot ng katakot-takot na trapik sa lugar buong araw ng Sabado.

Imahe mula sa Facebook/ Yuson John

Humingi na rin ng paumanhin si SMC President at CEO Ramon Ang sa naulilang pamilya ng biktima at nangako na rin ito ng tulog sa lahat ng naapektuhan. Ang SMC ang project owner ng Skyway Extension habang EEI naman ang contractor nito.

Samantala, nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng pamahalaan kabilang na ang contractor at subcontractor nitong Martes, Nobyembre 24, upang pag-usapan ang insidente.

Loading…