Donation drive ni Vice Ganda para sa mga nasalanta ng bagyo nakalikom na ng mahigit P800K

Imahe mula sa Facebook ni Vice Ganda
  • Umabot na sa halos P900,000 ang nalikom na pera mula sa donation drive ni Vice Ganda
  • Ilang araw pa lamang ang nakararaan simula nang ilunsad niya ito sa ‘It’s Showtime’
  • Ipinagtanggol naman ni Vice ang kaniyang fundraising drive laban sa mga bashers

Umabot na sa halos P900,000 ang perang nalikom ng donation drive na inilunsad ni Vice Ganda ilang araw pa lang ang nakararaan.

Sa kaniyang ‘transparency report’ sa Facebook, ibinahagi ng ‘Unkabogable Star’ na nakatanggap na ang kaniyang fundraising initiative ng kabuuang P875,775.59 bilang donasyon mula sa kaniyang mga tagahanga at followers sa social media.

Screenshot mula sa Facebook ni Vice Ganda

Inanunsiyo ni Vice Ganda sa programang ‘It’ Showtime’ ang ‘FUNDkabogable Donation Drive’ nitong Lunes, Nobyembre 16, upang makapaghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Ulysses’.

Malaki naman ang pasasalamat ni Vice Ganda sa mga may magagandang loob na nagpaabot ng kanilang donasyon.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nag-donate! Malaking tulong po ito para sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong Ulysses,” ayon sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook ni Vice Ganda

Samantala, ipinagtanggol naman ni Vice Ganda ang kaniyang initiative sa mga bashers na pumuna nito. Ito ay matapos kuwestiyunin ng ilang netizens ang kaniyang donation drive.

Mayroon kasing nagtanong kung bakit pa humihingi ng donasyon si Vice gayung marami naman itong pera. Ayon naman sa isa, dapat ay sila-sila na lang mga artista umano ang mag-donate tulad ng ginawa ni Willie Revillame.

Giit ni Vice, hindi niya inilunsad ang fundraising drive para lamang makalibre na magbigay mula sa sariling pera.

Screenshot mula sa YT video

“Parang mga baliw. Hindi po para sa akin ang donasyon na ito, at hindi ko po ito ginagawa para makatakas sa pagdo-donate. Makakaasa po kayo na may personal po akong donasyon na ibinibigay,” ayon sa komedyante.

Ginawa rin daw niya ito para sa convenience ng kaniyang mga tagahanga upang hindi na sila lumabas ng bahay at si Vice na lamang ang bahalang mangolekta, mamili at mamahagi ng tulong.

Loading…