DPWH Sec. Mark Villar hindi kurakot, pero ito ay hindi dahil sa siya ay mayaman – Sen. Lacson

Imahe mula sa DPWH
  • Sinabi ni Pang. Duterte noong nakaraang buwan na hindi sangkot sa pangungurakot si Sec. Villar dahil marami itong pera at hindi na kailangang mangurakot
  • Sinang-ayunan ni Sen. Lacson ang sinabi ng Pangulo, pero hindi raw lubos ang pagsang-ayon niya
  • Sabi ng senador, “Secretary Villar is not corrupt not because he is rich but because he is not corrupt, period”

Noong nakaraang buwan ay napagtuunan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang talamak na korapsyon sa Department of Public Works and Highways, ngunit agad niyang nilinaw na hindi sangkot doon si Sec. Mark Villar dahil ito ay mayaman at hindi na kailangang mangurakot para magkapera.

Screenshot mula sa PTV News video

“Si Villar mayaman na ‘yan. Si Sec. Villar maraming pera hindi na kailangang mangurakot. Ang problema sa baba malakas pa rin hanggang ngayon. ‘Yung mga projects sa baba ‘yun ang laro diyan,” sabi ng Pangulo noon sa isang pre-recorded speech niya.

Aniya, nagaganap ang pangungurakot sa mga lower ranking officials ng ahensya.

“Ito lang, itong mga contractor. The first whiff, makaamoy ka lang na hinihingian ka… Dito sa DPWH malakas ‘yan diyan. Projects, ‘yung mga project engineers, iyan, iyan lahat, road right-of-way, grabe ang corruption diyan. Walang construction na uumpisa dito na walang transaction. Mayroon ‘yan,” ayon sa Presidente.

Nitong Huwebes ng umaga, November 19, sinabi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na sang-ayon siya sa sinabi ng Pangulo tungkol kay Sec. Villar, subalit hindi lubos ang kanyang pagsang-ayon.

Anang senador, wala pa siyang nakitang pruweba na sangkot si Sec. Villar sa mga korapsyon na nagaganap sa loob ng DPWH.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“As I speak, we haven’t heard even from the rumor mill that Secretary Villar has dipped his fingers into any of the shenanigans that some sectors say are almost of public knowledge in the agency,” ani Sen. Ping Lacson sa deliberasyon tungkol sa proposed budget ng DPWH para sa taong 2021.

Paliwanag niya, si Sec. Villar ay hindi corrupt, pero hindi ito dahil sa siya ay mayaman. Talaga lang daw na hindi corrupt ang kalihim.

Aniya, “I would like to state for the record that I agree with President Duterte — albeit not completely — that Secretary Villar is not corrupt. Not because he is rich but because he is not corrupt. Period.”

Screenshot mula sa GMA video

Loading…