Dr. Jill Biden proud na proud sa mister na si US President-elect Joe Biden

  • Proud na proud ang First Lady ni US President-elect Joe Biden
  • Siya si Dr. Jill Biden
  • Makikita mismo ito sa kaniyang Facebook post

Ipinahayag ng misis ni US President-elect Joe Biden ang kaniyang pagbubunyi at pagsuporta sa kaniyang mister na siyang magiging Pangulo ng Amerika.

Magiging opisyal ang pag-upo sa White House ni Biden sa pagpasok ng taong 2021, at papalit kay incumbent US President Donald Trump, matapos nitong matalo laban sa kaniyang mister. Makikita sa Facebook post ng susunod na First Lady ang kaniyang larawan kasama ang mister, na may hawak na paskil na “Dr. and President Biden Live Here.”

Imahe mula sa Facebook account ni Dr. Jill Biden / Public Domain Image

Sa larawan, makikitang ang paskil na hawak ni Biden ay may orihinal na tekstong “Dr. and Vice President Biden Live Here. Subalit tinakpan lamang ng kanang kamay ni Mrs. Biden ang salitang “Vice.” Si Biden ang US Vice President ng administrasyon ni Trump. “He will be a President for all of our families,” ayon sa caption ng post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Marami ang nagpahatid ng kanilang mga pagbati at pahayag ng pag-asa para sa bansang Amerika.

“So relieved and happy for our country. Our nightmare is over and hopefully we can repair the damage that has been done, and move ahead stronger,” turan ng isa.

Wika naman ng isa, “I am so happy! Thank you for all your hard work and the work ahead! Decency, empathy, civility, morality and intelligence will return to the Oval Office. Democracy works.”

“This is truly a joyous occasion! Congratulations and may God bless you both! Thank you for restoring truth, honor and dignity to our great country,” sabi naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Congratulations! You and your husband are who are country desperately needs to lead us back to being a caring, loving, and thriving nation.”

Public Domain Image

Si Joe Biden ay isinilang sa Pennsylvania noong 1942 at lumaki sa Delaware, USA. Nag-aral siya sa University of Delaware at Syracuse University Law School, hanggang sa pasukin niya ang politika bilang New Castle County Councilman.

Siya ay naging senador mula Delaware noong 1972, at naging Pangalawang Pangulo ni dating US President Barack Obama, mula 2009 hanggang 2017.

Loading…