DTI, DA bigo sa pagpapatupad ng price control sa mga bilihin; Kadiwa rolling stores dapat nang ilabas

Imahe mula sa Radyo La Verdad
  • Bigo umano na magpatupad ng price control ang DTI at DA, ayon kay Sen. Imee Marcos
  • Walang silbi umano ang ginagawang price monitoring at panghuhuli sa mga lumalabag sa SRP dahil iginiit ng mga tindera na mas mahal ang puhunan nila kaysa SRP na ipinatutupad ng gobyerno
  • Sinabi ng senadora na dapat maglabas ng maraming Kadiwa rolling stores upang direktang makabili ang mga mamamayan mula sa mga producers

Nanawagan si Senator Imee Marcos na sa lalong madaling panahon ay maglabas na ng mas maraming Kadiwa rolling stores upang makabili ang mga mamamayan ng murang bilihin. Ito ay dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa palengke.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Sinabi ng senador na bigong magpatupad ng price control ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agriculture (DA) sa mga bilihin sa Metro Maniloa parrtikular na ang mga gulay at root crops mula sa Norte.

Anang senadora, puro salita lang daw at kulang sa gawa ang dalawang ahensya na hindi naman magawang pigilan ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa kabila ng halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa state of calamity dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses.

“Lip service is all we are getting from the DA and DTI. There is no price control taking effect,” ani Sen. Marcos.

Sinabi pa ng senadora na hindi makasunod ang mga tindera sa suggested retail price na itinakda ng pamahalaan dahil limitado ang suppy sa gitna ng mataas na demand sa mga bilihin. Bukod pa ito sa mataas na patong sa puhunan ng mga middlemen kaya mas mataas ang presyuhan ng mga tindera sa palengke.

Imahe mula sa Radyo La Verdad

Ang tanong ni Sen. Marcos ay “nasaan ang mga Kadiwa rolling stores?” ngayong mas kailangan ito ng mga mamamayan.

“Where are the government’s Kadiwa rolling stores when they’re needed most? The concept of lowering food prices by buying directly from farmers and removing middlemen in the equation worked more than 40 years ago and will still work today,” aniya.

Walang silbi umano ang ginagawang pagbabantay sa presyo at panghuhuli sa mga lumalabag sa SRP. Kailangan na umanong mamagitan ng gobyerno sa supply chain sa pamamagitan ng paglalabas ng mas marami pang Kadiwa rolling stores para matanggal na ang mga middlemen.

May buffer fund naman daw na magagamit ang DA para sa karagdagang Kadiwa rolling stores upang maabot ang mas maraming mamimili.

IMahe mula sa Mandaluyong City PIO

Nagbigay ng ilang halimbawa ang senadora ng SRP at aktwal na presyo ng mga gulay sa palengke na talaga namang magpapa-aray sa mga mamimili sa panahon ng pandemya:

Sitaw: SRP – P80 per kilo; presyo sa palengke – P150 per kilo

Talong: SRP – P60 per kilo; presyo sa palengke – P150 per kilo

Ampalaya: SRP – P80 per kilo; presyo sa palengke – P220 per kilo

Kamatis: SRP – P100 per kilo; bentahan sa palengke -P 160 per kilo

 

 

Loading…