Duterte, Robredo malabo nang magkasundo at magkatrabahong muli – Palasyo

Imahe mula sa The Straits Times
  • Malabo na raw na magkasundo pa sina Pangulong Duterte at VP Robredo, ayon sa Palasyo
  • Dalawang pagkakataon na umano ang ibinigay kay Robredo subalit pinili ng huli na maging oposisyon
  • Hindi naman daw sana lalala ang hidwaan sa pagitan ng dalawa kung hindi lumabas ang isyu ng #NasaanAngPangulo na ibinibintang sa Bise Presidente

Malabo nang magkaroon ng maayos na relasyon at magkatrabahong muli sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa gitna ng iringan ng dalawang pinakamataaas na opisyal ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ilang beses nang binigyan ng pagkakataon ng Pangulo si Robredo subalit binigo umano nito si Duterte.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

“Siguro hindi na po, dahil binigyan na ng dalawang pagkakataon ng Presidente si VP Leni,” ani Roque sa panayam ng mga mamamahayag nitong Huwebes.

“Despite the 2 opportunities, talagang VP Leni listened to her advisers and decided to become opposition, if not obstructionist,” dagdag pa ng opisyal.

Ang tinutukoy ni Roque ay ang pagkakatalaga dati ni Robredo upang pamunuan ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Imahe mula sa OVP

Nagbitiw sa HUDCC si Robredo matapos siyang hindi imbitahin sa mga Cabinet meeting habang tinanggal naman siya sa IACAD dahil umano sa ‘kapalpakan’, ayon sa Palasyo.

“So pabayaan na po natin ‘yan. Naging Cabinet member na po siya, naging head ng anti-drug effort, eh wala pong nangyari. Dalawang taon na lang, siguro ganoon na lang po talaga ‘yan,” paliwanag ni Roque.

“We offered twice. The President gave her two appointments, it didn’t work. I don’t think we need a third one,” wika pa ng tagapagsalita ng Palasyo.

Imahe mula sa InterAksyon

Gayun pa man, sinabi ni Roque na umaasa  pa rin siyang magkakaroon ng magandang ‘interpersonal relations’ ang dalawang pinuno lalo pa’t nailabas na ni Duterte ang kaniyang saloobin na mas mabuti naman daw kaysa magkimkim.

Iginiit din niya na kung hindi naman daw lumabas ang isyu tungkol sa ‘paghahanap’ ni Robredo sa Pangulo ay hindi naman sana aabot sa ganito ang kanilang hidwaan. Kahit naman daw kailan ay walang sinabing masama ang presidente tungkol kay Robredo.

Loading…