Eddie Garcia Bill pasado na sa third and final reading sa kamara

Screenshot mula sa Hintayan ng Langit video
  • Aprubado na sa House of Representatives ang panukalang “Eddie Garcia Act”
  • Ang panukala ay naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga karapatan ng mga manggagawa sa entertainment industry
  • Ang House Bill No. 7762 ay isinunod sa pangalan ni late veteran actor Eddie Garcia

Pasado na sa third and final reading sa House of Representatives ang panukalang batas na isinunod sa pangalan ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Imahe mula sa House of Representatives

Lahat ng 235 congressmen na dumalo sa plenary session noong Martes, November 24, ay bumoto pabor sa House Bill Number (HB) 7762 o ang panukalang “Eddie Garcia Act” na ang principal author ay si Deputy Speaker and 1Pacman Partylist Rep. Michael Romero.

Ang approval ng House Bill ay naganap makalipas lang ng mahigit isang taon mula nang yumao ang batikang aktor dahil sa tinamong pinsala nang masangkot siya sa isang aksidente sa set ng “Rosang Agimat” TV series ng GMA Network.

Ang proposed Eddie Garcia Act ay magtatakda ng mga occupational safety and health standards upang maprotektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa o independent contractors sa film, television at radio entertainment industries.

Kapag naisabatas ang HB 7752, kailangan na ang kasunduan o kontrata sa pagitan ng employer at ng worker na nakasulat sa wika o lengguwaheng naiintindihan ng dalawang partido.

Ang oras ng trabaho ay 8 hours a day, na maaaring ma-extend hanggang 12 hours. Ang trabahong higit sa walong oras ay may overtime pay.

Para naman sa mga menor de edad, susundin ang mga probisyon ng “Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”

Imahe mula sa Daily Guardian

Ang social security at iba pang benepisyo ay dapat ibigay ng employer sa pagsisimula ng trabaho.

Inaatas din sa panukala na dapat magbigay ng sapat at masustansyang pagkain tuwing anim na oras ng trabaho, malinis na tubig na inumin at private dressing room.

Kailangang magtalaga ng occupational safety and health officers ang employer para magsagawa ng risk assessement sa workplace o lokasyon ng produksyon.

Samantala, ang Senate version ng panukala ay nananatiling naka-pending sa committee level.

 

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…