EDSA Busway bridges na may concourse itatayo ng private firms; ido-donate sa gobyerno

Imahe mula sa Facebook-DOTr
  • Magtatayo ng EDSA Busway bridges ang tatlong pribadong kumpanya
  • Walang gagastusin ang pamahalaan at ang proyekto ay ido-donate nila sa gobyerno
  • Inaasahang uumpisahan ito sa susunod na 2 hanggang 3 buwan

Ilang buwan matapos ipatupad ang dedicated busway system sa kahabaan ng EDSA, plano naman ngayon na magtayo ng overhead pedestrian bridges sa ilang lugar na dinadaanan nito para sa kapakanan ng publiko.

Ang proyektong ito ay inisyatibo ng tatlong pribadong kumpanya na siyang sasagot sa gastusin at idodonate ito sa gobyerno.

Imahe mula sa Facebook-DOTr

Nitong Lunes, Nobyembre 16, pinirmahan na ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ng SM Prime Holdings, D.M. Wesceslao and Associates Incorporated, at Double Dragon Properties Corporation, ang tatlong pribadong kumpanya na kapartner ng gobyerno sa proyekto.

Bukod sa state-of-the-art na design ng arkitektura nito, ang busway bridges ay lalagyan din ng concierge, ticketing booths, at turnstiles para sa Automatic Fare Collection System (AFCS). Mayroon din itong rampa at elevator para sa mga PWDs, senior citizens at mga babaeng buntis.

Imahe mula sa Facebook-DOTr

“Napakaganda ‘ho ng proyekto. With the state-of-the art facility of the EDSA Busway Bridge and Concourse, we will be catering world-class service to the public. ‘Laking ginhawa ‘ho nito sa mga kababayan natin, lalo na sa mga senior citizen, mga may kapansanan, at buntis. Hindi na ‘ho sila mahihirapan mag-akyat-baba sa paggamit ng busway. Malaking bagay din ‘ho ito para siguruhin na ligtas silang makatatawid at makasasakay,” ani Transportation Sec. Art Tugade.

Ang nasabing overhead bridges ay ilalagay sa may SM Mall of Asia, SM North EDSA, SM Megamall, President D. Macapagal Boulevard sa Aseana City, at sa EDSA malapit sa kanto ng tatlong pribadong kumpanya na nagpahayag ng suporta dito.

Imahe mula sa Facebook-DOTr

“We, at SM, are delighted to partner with the government in improving the daily commute of every Filipino. We always stand ready to support initiatives that seek to uplift the lives of the community. As part of our commitment, we will ensure that the overhead bridges and pasenger concourses are properly secured and well-maintained for the safety and convenience of all passengers and pedestrians. All these, we will undertake at no additional cost to the government,” ayon kay SM Prime Holdings Inc. President Jeffrey Lim.

Maaaring umpisahan ang pagtatayo ng EDSA Busway bridges sa susunod na 2 hanggang 3 buwan habang inaaayos pa ang detailed engineering design (DED) ng proyekto at mga kaukulang permits.

Inaasahang makukumpleto ito sa loob ng 6 hanggang 8 buwan, ayon sa DOTr.

Loading…