Elevated busway planong itayo sa ibabaw ng ilang U-turn slots na bubuksan sa EDSA

Inmahe mula sa PNA
  • Grabeng trapiko ang dulot ng pagsasara ng mga U-turn slots sa EDSA
  • Layunin ng pagsasara ng U-turn slots na mapabilis ang biyahe ng mga pampasaherong bus na dumaraan sa EDSA busway
  • Planong muling magbukas ng U-turn slots ang MMDA at sa ibabaw ng mga iyon ay itatayo ang elevated busway

Sa layuning mas mapabilis pa ang biyahe ng mga pampasaherong bus na dumaraan sa EDSA busway ay unti-unting isinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga U-turn slots sa kahabaan ng EDSA, subalit nagresulta ito sa grabeng trapiko sa ilang bahagi ng highway.

Imahe mula sa Remate

Dahil dito, naisip ng MMDA na kailangang muling magbukas ng ilang U-turn slots sa EDSA partikular na sa mga pangunahing interseksyon para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko. At upang hindi makasagabal sa busway ang mga private vehicles na gagamit ng U-turn slots ay itatayo sa ibabaw ng mga ito ang elevated busway.

Pahayag ni MMDA Traffic Operations chief Edison Nebrija, tutukuyin muna nila kung saan dapat maglagay ng U-turn slots at doon itatayo ang elevated busway.

“Sa U-turn slot na ‘yun, gagawa tayo ng elevated busway. Sa ibabaw daraan ‘yung bus. ‘Yung ilalim gagamitin naman ng private vehicles to take that U-turn,” wika ni Nebrija.

Aniya, sa ngayon ay kailangang isara ang lahat ng U-turn slots upang tuluy-tuloy ang takbo ng mga city buses sa EDSA busway na nasa innermost lane ng EDSA.

Aminado si Nebrija na ang grabeng trapik sa EDSA ay dahil sa pagsasara ng mga U-turn slots.

Imahe mula sa Top Gear PH

“Yung mga volume ng vehicles, motorista who are taking the five U-turns na sinarado natin. They’re building up doon sa pinaka-end to end ng ating big loop that is in Balintawak Cloverleaf and the other one is in Quezon Avenue,” sabi niya.

Marami pa raw kasing motorista na hindi kabisado ang configuration ng EDSA kaya bumabagal ang daloy ng trapiko.

“Marami pa rin sa ating mga kababayan, siguro, they do not see the sign. They do not know the configuration of EDSA now,” paliwanag ni Nebrija.

Sa oras daw na makasanayan na ang sistema sa EDSA ay magiging maayos din ang trapiko doon.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Loading…