Ex-VP Jojo Binay may pahayag tungkol sa kahalagahan ng nagsarang ABS-CBN sa oras ng kalamidad

Imahe mula sa Facebook/ABS-CBN
  • Naglabas ng statement si dating VP Binay tungkol sa pagkawala ng ABS-CBN sa oras ng kalamidad
  • Nag-iwan umano ng butas ang pagsara ng Kapamilya network na hindi pa napupunan ng ibang media outlets
  • Aniya ay mag-iwan daw sana ng aral ang ginawang ito ng gobyerno

Naglabas ng pahayag si dating Bise Presidente Jejomar Binay tungkol sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng media sa oras ng kalamidad at partikular na tinukoy ang pagkawala ng ABS-CBN sa larangang ito.

Ayon kay Binay, ang pananalasa ni Rolly ay muling nagpaalala sa atin kung gaano kaimportante ang kritikal na impormasyong inihahatid ng media lalo na sa malalayong lugar.

Imahe mula sa Facebook- Jojo Binay

“For decades, media has been performing this role, often at great risk to the lives of its field reporters and crew, in order to provide our people with timely and relevant information.  In far-flung areas beyond the immediate reach of government, such information from media can spell the difference between life and death,” ayon sa pahayag ng dating vice president sa kaniyang Facebook page.

Bukod kay Binay, marami ring netizens ang nagpahayag ng katulad na saloobin nitong nagdaang bagyo. Karamihan sa kanila ay hinahanap ang ginagawang coverage ng ABS-CBN sa oras ng kalamidad na naghahatid umano ng impormasyon sa publiko upang mas lalo pang makapaghanda.

Screenshot mula sa Facebook-Jojo Binay

Ganito rin ang naging pahayag ni Binay na nagsabing ang pagpapasara sa ABS-CBN ng Kamara ay nag-iwan ng butas na hindi pa kayang punan ng ibang media outlets.

“Sadly, the closure of ABS CBN, including its radio and regional network, has left a noticeable void that has yet to be filled by the other networks,” ayon sa dating opisyal.

“This early, there are anecdotal stories of residents who were caught off-guard, unaware of the super typhoon’s destructive nature, and orders from local authorities to evacuate,” wika pa nito.

Imahe mula sa ABS-CBN

Sana raw ay mag-iwan ng aral ang ginawang ito ng gobyerno sa isa sa pinakamalaking media company sa bansa.

“That political decisions, especially those intended to exact a steep price for criticisms of government policies and personalities or to redress a real or imagined personal insult, can have far-reaching and even tragic consequences on the lives of ordinary Filipinos,” pagtatapos ni Binay.

Loading…