Fil-Am boxer na tinawag noon ni Mayweather na future champion, pangarap tularan si Pacquiao

Screenshot mula sa video ng Fight Hub TV
  • Pangarap ng isang 16-year-old Fil-Am pro boxer na tularan si Manny Pacquiao
  • Noong 7 years old pa lang siya ay humanga sa kanyang boxing skills si Floyd Mayweather, Jr.
  • Para kay Demler “Little DJ” Zamora III, si Manny Pacquiao ang greatest fighter ever

Isang Filipino-American professional boxer ang nangangarap na sundan ang mga yapak ni Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Screenshot mula sa video ng Fight Hub TV

Noong pitong taong gulang pa lang si Demler “Little DJ” Zamora III ay nag-enroll siya sa Floyd Mayweather Summer Camp. Dito unang nakita ni Roger Mayweather, tiyuhin ni Floyd Mayweather, Jr., ang natural na galing ng bata sa boksing.

Kwento ng tatay ni Little DJ na si Demler, Jr., tinanong daw siya ni Roger kung dati na bang nagboboksing ang bata, pero sinagot niyang iyon ang unang beses nitong makapagsuot ng boxing gloves.

Ayon kay Roger, isang natural fighter si Little DJ at balang araw ay magiging world champion daw ito.

“Demler does some things that come naturally to a fighter, like turning his hands over when he throws a punch. Usually, kids are taught that at an early age, or it comes naturally. I have pros that don’t turn their hands over like that, and they’re grown  men,” ani Roger Mayweather.

Sa loob ng dalawang taon ay nag-training si Little DJ sa ilalim ni Roger. Sa isang lumang video, makikita silang dalawa sa ring habang nagpa-pad work. Nasa loob rin ng ring si Floyd habang pinanonood ang pagsasanay ng batang Fil-Am na anak ng amang Pinoy at inang African-American.

Screenshot mula sa video ni Demler Zamora III

“This is the future. He’s Filipino and black. I call him a Blackipino,” humahangang nasambit noon ni Floyd, Jr. tungkol kay Little DJ.

Sa edad na 17 at height na 5’10 ay nakapagtala na ng tatlong panalo sa kanyang batang-batang professional boxing career si Little DJ – dalawang knockouts at isang unanimous decision.

Sabi ni Little DJ, na isang high school senior, ay hindi muna siya magka-college upang tutukan ang pagboboksing. Saka na lang daw niya itutuloy ang pagkakaroon ng degree kapag tapos na siya sa boxing.

Para sa kanya, ang greatest fighter ever ay si Manny Pacquiao. Kapag nagkaroon daw siya ng pagkakataon na magkita silang dalawa ay hihingi siya ng payo sa fighting senator ng Pilipinas kung ano ang dapat niyang gawin upang maging tulad nito.

Imahe mula sa Facebook page ni Manny Pacquiao

“The greatest fighter ever is Pacquiao. I’ve been to some of his weigh-ins but I’ve never watched him fight live. Once, when he was training for (Adrien) Broner, I went to UNLV and saw him work out. I’ve never met him but when I do, I’ll ask for advice on what I should do to be like him,” aniya.

Ipinagmamalaki ni Little DJ ang pagiging isang Pinoy. Sabi niya, araw-araw siyang kumakain ng kanin at paboritong ulam ang chicken adobo.

Source :

RingTV, Philstar

Loading…