Finally, it’s a girl! Mag-asawang may 14 na anak na lalaki, labis ang tuwa sa pagdating ng anak na babae

  • Labis ang tuwa ng mag-asawa sa Michigan, USA sa pagdating ng kanilang unica hija
  • Puro lalaki kasi ang kanilang 14 na anak
  • Nakatutuwa ang reaksyon ng mga netizens sa kuwento ng kanilang pamilya

Sabi nga, ang pagkakaroon ng isang malaking pamilya ay tunay na masaya. Paano kung ang mga anak ay umabot na sa 14? Tunay ngang pagkasaya-saya!

Iyan ang bilang ng kabuuang mga anak ng mag-asawang Jay at Kateri Schwandt mula sa Michigan, USA. 14 ang kanilang mga anak na puro lalaki, at sa wakas, ang kanilang ika-15 na anak ay isang babae na pinangalanan nilang “Maggie Jayne.”

Public Domain Image

Si Maggie Jayne ay may timbang na 7 pounds at 8 ounces o may katumbas na 3.4 kilograms.

Masayang-masaya ang mag-asawa na parehong nasa 45 taong gulang; na sa kabila ng mga nangyayari sa daigdig kaugnay ng pandemya ay nagkaroon pa rin sila ng biyaya mula sa langit.

“This year has been memorable in so many ways, for so many reasons, but Maggie is the greatest gift we could ever imagine,” tugon ni Jay sa isang panayam.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Can’t imagine how pressured the future boyfriend will be. Kawawa ang mga suitors ng babae,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow, grabe… buti kinaya ni misis. Mas marami pa sa koponan ng basketball ang mga anak nila. Sabagay, okay din naman. Dito sa Pilipinas, may 16 pa nga eh, sa probinsiya namin.”

“Definitely siya ang princess ng family! Maraming poprotekta sa kaniya. Ang daming gugulpi sa magiging nobyo ng little sister nila in the future kapag nagkataong niloko ang bunso nila,” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Hindi ako makapaniwala! Buti nakayanan ng babae. Anyways, kung kaya namang buhayin, go lang! Sabi nga, the more, the merrier!”

Isang YouTube comment naman ang tiyak na kaaaliwan mo:  “Imagine when her future boyfriend breaks her heart or hits her…. 14 boyz, 28 fist flyin at them!”  Lol

Public Domain Image

Ang mga anak na lalaki ng mag-asawa ay sina Tyler, Zach, Drew, Brandon, Tommy, Vinnie, Calvin, Gabe, Wesley, Charlie, Luke, Tucker, Francisco at si Finley na isinilang nung 2018.

Source :

NPR, YouTube

Loading…