Bida sa TV5 show, Jake Cuenca sinabing “I will always be a Kapamilya”

Image by Jake Cuenca via Instagram | Image by Kris Bernal via Instagram
  • Jake Cuenca sinabing mananatili siyang Kapamilya anuman ang mangyari: “I will always be a kapamilya”
  • Ito’y kahit na bida siya ngayon sa TV5 soap na Ate ng Ate Ko kasama si Kris Bernal
  • Nananatili pa ring ang Star Magic ang talent center na humahawak sa kanyang showbiz career

Inihayag ng aktor na si Jake Cuenca na sa puso niya ay mananatili siyang Kapamilya. Nasabi niya ito dahil sa mga netizens na kumukuwestiyon sa loyalty niya sa ABS-CBN at sinasabihang walang utang na loob dahil sa mayroon siyang soap sa Kapatid Network.

Image by Jake Cuenca via Instagram

Ang tinutukoy na serye ay ang Ate ng Ate Ko nila ni Kris Bernal sa TV5 na nagsimulang umere noong Lunes, November 23, 2020. Nagkatrabaho na sila ni Kris sa isang pelikula noong 2019.

Pahayag ni Jake sa Instagram post, “ABS-CBN through the good times and the bad, I will always be a kapamilya. Wala man tayong tahanan ngayon pero ang pagiging kapamilya ay nasa puso ko kahit ano pa mangyari. Kapamilya tayo forever.”

Sinagot din niya ang komento ng isang netizen na nagtanong kung Kapatid na ba talaga siya o Kapamilya artist pa rin. Tugon niya rito ay “both”.

Saad pa niya, magandang oportunidad ang makatrabaho ang mga artista mula sa ibang network at maganda ang serye kaya’t tinanggap niya kaagad ang offer.

Sa kasalukuyan, kahit na mayroong serye ang aktor sa TV5 ay nananatili pa ring ang Star Magic ang talent center niya.

Image by Jake Cuenca via Instagram

Talent ng ABS-CBN si Jake simula pa noong 2006. Sa Kapamilya Network ay lalo pang sumibol ang kanyang magandang karera sa showbiz at nabigyan ng maraming lead roles. Huli siyang bumida sa Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos.

Huli naman siyang napanood sa ABS-CBN series na Walang Hanggang Paalam bilang si Dexter (special participation) ngayong taon lamang.

Image by Jake Cuenca via Instagram
Source :

Instagram, Abante, PEP

Loading…