George Clooney namigay noon ng tig-$1 milyon sa kaniyang 14 malalapit na kaibigan

Imahe mula sa Popsugar
  • Namigay noon ng tig-iisang milyong dolyar si George Clooney sa kaniyang 14 malalapit na kaibigan
  • Nangyari ito noong 2013 kung kailan wala pa siyang pamilya at namumuhay na mag-isa
  • Kahit kailan ay hindi niya umano pinagsisihan ang kaniyang ginawa

Ibinahagi ni Hollywood actor George Clooney na minsan niyang niregaluhan ng tig-iisang milyong dolyar ang 14 sa kaniyang malalapit na kaibigan bilang pasasalamant umano sa kanilang friendship.

Nangyari umano ito noong September 2013 at katatapos lamang niya ng pelikulang ‘Gravity’ katambal si Sandra Bullock. Kilala na niya noon si Amal, ang kaniyang kasalukuyang maybahay, subalit wala pa silang relasyon at wala naman siyang sariling pamilya na pagkakagastusan.

George Clooney, Sandra Bullock sa ‘Gravity’| Imahe mula sa Chicken Dynasty

Kuwento ng aktor, malaki ang kaniyang kikitain sa pelikula dahil tulad ng kaniyang co-star, babayaran sila base sa percentage ng box-office revenue.

“I thought, ‘what I do have are these guys who’ve all, over a period of 35 years, helped me in one way or another. I’ve slept on their couches when I was broke. They loaned me money when I was broke,” bahagi ni Clooney sa panayam ng GQ.

Tinulungan umano siya ng mga kaibigan niyang ito at natulungan din naman niya sila. Tunay daw talagang mga kaibigan niya ito, ayon sa Hollywood superstar, na isa sa mga highest-paid actors.

“And I thought, you know, without them I don’t have any of this. And we’re all really close, and I just thought basically if I get hit by a bus, they’re all in the will,” patuloy ng aktor.

“So why the … am I waiting to get hit by a bus?” dagdag pa ni Clooney.

Imahe mula sa Brittanica

Ang sumunod na ginawa umano niya ay umarkila ng van na may nakasulat na ‘Florist’ at doon ikinarga ang 14 Tumi bags na may tig-1 milyong dolyar saka inimbitahan ang kaniyang mga kaibigan sa kaniyang bahay para sa isang dinner.

“I just held up a map and I just pointed to all the places I got to go in the world and all the things I’ve gotten to see because of them,” kuwento pa ng aktor.

“And I said, ‘How do you repay people like that?’ And I said, ‘Oh, well: How about a million bucks?'” wika pa nito.

Imahe mula sa Business Insider

Mahigit pitong taon na ang nakararaan at ngayon ay masaya na si George sa kaniyang misis na si Amal Clooney at kanilang kambal na anak na sina Ella at Alexander.

Subalit hindi umano niya pinagsisihan ang kaniyang ginawa at para sa kaniya ay isang ‘right move’ ang pamamahagi niya ng $14-M sa kaniyang mga kaibigan.

Loading…