“Get, get aww!” SB Girls nagsama-sama para sa tila ‘mashup version’ ng The Spaghetti Song

Image capture from video by Rochelle Solinap via Instagram
  • Mga dating miyembro ng all-female group na SB Girls, muling nagsama-sama
  • Sumayaw sila sa tila mash-up version ng The Spaghetti Song
  • Masaya ang mga tagahanga na nakitang muling nagsama-sama ang kanilang mga idolo

Talagang pumatok sa mga mamamayan ang mga kanta’t sayaw na pinauso ng all-female group na SB Girls lalo na noong kasagsagan ng karera nila. Kaya’t natuwa ang marami nilang tagahanga nang muling magsama-sama ang mga dating miyembro nito para sa isang dance routine.

Image capture from video by Rochelle Solinap via Instagram

Mapapanood sa Instagram video na ibinahagi ni SB founding member Rochelle Pangilinan-Solinap ang pagsasayaw niya kasama ang mga dating miyembro ng grupo sa tila mash-up version ng pinauso nila noong 2003 na The Spaghetti Song.

Kasama ni Rochelle sa video sina Mia Pangyarihan, Aira Bermudez, Mae Acosta, Cynthia Yapchingco, Grace Nera, at Aifha Medina-Cheng. Sila’y pawang bahagi ng grupo noong 2000s.

Sinundan pa ito ng isa pang video ng kanilang dance rehearsal kung saan nabanggit ni Rochelle ang, “‘Yung totoo… Ganito kami kahit dati pa. May nakikinig, may nagbablocking, may nagreremind. Natural. May nagkakamali … at may natataranta. Pero nagkakaisa pa rin para sumayaw. Na-miss ko kayo ha.”

Komento ng isang netizen, “Wow mga idol. Sobrang happy ko na nakita ko kayo ulit na sumayaw. Sana kayo lahat magsama-sama. Iba talaga ‘pag SB.”

Sa isa pang komento, “The most successful girl group in the Philippines.”

Sabi naman ng isa, “I miss you po, my favorite group since I was in grade school.”

Imahe mula sa Instagram | Mia Pangyarihan

Mula sa pagiging background dancers, sumikat nang husto ang grupong ito hanggang sa matanghal pa sila bilang “The Best-Selling Philippine Female Group of All Time.” Napapanood sila noon sa Eat Bulaga!.

Sa ngayon ay aktibo pa rin ang grupo at bumibisita pa sa iba’t ibang TV shows, bago na ang mga miyembro nito at kilala na bilang SB NewGen.

Miss mo na ba ang grupo? Anong kanta/sayaw nila ang pinaka-paborito mo?

Image by SB NewGen Girls via Instagram

Samantala, tara na’t panoorin ang kanilang mash-up version ng The Spaghetti Song via Instagram post ni Rochelle:

Loading…