GMA itinalaga ni Duterte bilang presidential adviser on Clark programs

Imahe mula sa PNA
  • Itinalaga si dating Pangulong Gloria Arroyo bilang presidential adviser
  • Siya ay magiging Presidential Adviser on Clark Programs and Projects ni Duterte
  • Ang kaniyang puwesto ay may kalakip umanong sahod na P1 kada taon lamang

Balik-gobyerno si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo subalit sa pagkakataong ito ay bilang presidential adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang text message sa mga mamamahayag nitong Huwebes, kinumpirma ni Senador Bong Go ang appointment ni Arroyo bilang Presidential Adviser on Clark Programs and Projects.

Image by Gloria Macapagal Arroyo via Facebook

Ang Clark Freeport and Special Economic Zone ay nasa Pampanga; ang lalawigan ni Arroyo na huling nagsilbi bilang Speaker of the House noong 2019.

Ayon sa GMA News, kinumpirma rin umano ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea at ang magiging sahod daw ng dating pangulo at P1 lamang sa loob ng isang taon.

Noong Martes, Nobyembre 24, pa nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment ni Arroyo subalit nitong Huwebes lamang ito inilabas sa publiko.’

Samantala, bukas naman ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa pagkakatalaga kay Arroyo bilang adviser.

Imahe mula sa BCDA

“We greatly welcome the appointment of former President Gloria Macapagal-Arroyo as Presidential Adviser on Clark Programs and Projects. Her wisdom and gravitas will be invaluable in making the vision of Clark as the next premier metropolis of Asia a reality,” anang BCDA sa isang pahayag.

Ang BCDA ang nangangasiwa sa Clark Freeport Zone at sa New Clark City kung saan itinalaga ni Duterte kamakailan ang National Government Agency Center o NGAC, isang alternative government center na siyang magiging sentro ng pamahalaan sa oras ng kalamidad at mga hindi inaasahang pagkakataon.

BASAHIN: ‘Back-up gov’t sa New Clark City itinalaga ni Pangulong Duterte

Si Arroyo ay kilalang kaalyado ni Pangulong Duterte at isa sa mga naging instrument para mapatalsik noon sa puwesto si dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Loading…