Greenpeace hinihikayat si Pangulong Duterte na magdeklara ng national climate emergency

Screenshot mula sa Stand For Truth-Facebook
  • Hinihimok ng Greenpeace Philippines si Pangulong Duterte na magdeklara ng national climate emergency
  • Mas komprehensibong pamamaraan ng pagtugon sa climate crisis ang panawagan ng grupo, lalo na’t ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang madaling maapektuhan ng mga peligrong dala ng climate change
  • Hinihikayat din nito ang administrasyon na panagutin ang mga bansang may malalaking greenhouse emission

Muli na namang nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang environmental group na magdeklara ng national climate emergency kasunod ng pagtama sa bansa ng sunud-sunod na bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Luzon.

Imahe mula sa Greenpeace Philippines

Ang panawagan ng country director ng Greenpeace Philippines na si Lea Guerrero ay isang mas komprehensibong pamamaraan ng pagtugon sa climate crisis, lalo na’t ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang madaling maapektuhan ng mga peligrong dala ng climate change.

Ang mga malalakas na bagyo ay resulta raw ng climate change at global warming.

“The climate crisis is here to stay. It will be part of the future of the country. This is the new normal,” wika ni Guerrero sa isang panayam.

Aminado si Guerrero na may mga ginagawang aksyon ang nakaraan at kasalukuyang administrasyon para tugunan ang mga epekto ng climate crisis, subalit ang mga ito raw ay palagi na lang nakatuon sa post-disaster response.

“Unless we have plans that are comprehensive and that are forward-looking like planning for long term… we’ll be stuck in a cycle of just responding to every disaster that comes in and it’s not sustainable,” sabi niya.

Screenshot mula sa ANC

Sa halip daw na gumawa ng mga national task force kapag may kalamidad, mas mainam daw na palakasin na lang ang kapabilidad ng mga local government units (LGUs) na rumesponde sa mga ito.

“We don’t need a national task force to keep on responding to everything that’s happening in localized places. But we need LGUs to have more capacity, to have more resources to be able to determine the risks and manage the risks in their localities,” ani Guerrero.

Hinihimok din niya ang pamahalaan na panagutin ang ibang bansa na may malalaking greenhouse emission. Aniya, ang nangyayari sa Pilipinas ay hindi natin kagagawan dahil isa tayo sa mga bansang pinakamaliliit na contributors sa climate crisis.

Imahe mula sa World Atlas
Source :

YouTube, ABS-CBN

Loading…