Halina’t tawanan ang mga ginawang kabalbalan noong kabataan

  • Nagdulot ng nostalgia ang isang meme
  • May nakalagay dito na isang kasabihang Ingles
  • Marami naman ang nagkomento rito

Sabi nga, hindi kumpleto ang “childhood memories” ng isang tao kung wala siyang mga alaala ng munting mga “kabalbalan” o kalokohang kaniyang ginawa: na maaaring naging dahilan upang mapagalitan, pumalahaw ng iyak, o masaktan, subalit sa pagtanda at kapag muling binalikan ay nagdudulot na lamang ng ngiti at tawanan.

Iyan ang hatid ng Facebook page na “Memories of Old Manila and Beyond” kung saan makikita ang isang meme na  may nakasaad na “If you don’t do stupid things while you are young, you’ll have nothing to smile about when you’re old.”

Imahe mula sa Facebok page na Memories of Old Manila and Beyond

Nagbunsod naman ito sa mga netizens na alalahanin ang kanilang kabataan at ibahagi ang naging mga kalokohan nila noong araw, na nagdulot ng sakit ng ulo sa kanilang mga magulang; at ngayon, pinagtatawanan na lamang nila. Iba -iba ang naging reaksyon at komento nila hinggil dito.

“Not really, there are plenty of things to smile about that is not due to stupidity, there’s nothing wrong with being cautious. Just make sure no regrets afterwards,” sabi ng isa.

Saad naman ng isa, “Don’t take it literally. If you still are doing the same stupid things despite you getting older, then you have not learned nor matured.”

“I remember in high school, kada may mag-aabsent, sa akin nagpapapirma yung mga classmate ko instead na sa Principal, lalo na pagsunod-sunod na fever yung nasa excuse letter, halatadong tinamad pumasok, ako naman ang savior nila, namaster kong mabuti ang pirma ni Principal. Nabuking ako at nasuspinde. Natuto naman ako,” pagbabahagi naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Got so much to smile about during my younger years… glad no gadgets were invented that time. Batang 90’s kalakal kid here.”

Public Domain Image

Ang ibig lamang sabihin ng meme, hindi masaya ang pagkabata kung may mga bagay na hindi nagawa, na may hanggahan o limitasyon din naman. Hindi lahat ng bagay ay kailangang subukin sa pagkabata, dahil may mga bagay na kahit hindi maranasan ay mahuhulaan na ang magiging resulta o kalalabasan.

Ikaw, anong kabalbalan mo noong bata ka pa?

Loading…