Halo-Halo pie at iba pa: Pinoy bakery sa US gumawa ng mga Thanksgiving pie na hango sa Pinoy desserts

Turon Pie
  • Gumawa ng Thanksgiving Day Pies ang isang Pinoy Bakery sa California
  • Ang mga pies ay hango sa mga Filipino dessert
  • Puwedeng mag-pre-order sa Sweet Condesa ng Ube Pie, Calamansi Pie, Turon Pie at Halo-halo Pie

Isang Filipino bakery sa Oakland, California ang gumawa ng mga pie para sa darating na Thanksgiving Day na ang mga flavors ay hango sa mga popular na Pinoy desserts.

Imahe mula sa Sweet Condesa

Ayon sa may-ari ng “Sweet Condesa” na si Melody Lorenzo, nais niyang maiba naman ang mga pie na inihahain tuwing Thanksgiving Day. Ayaw na niya ng apple pie o pumpkin pie na palagi na lang inihahain sa tuwing selebrasyon ng naturang holiday sa America.

“Come on, let’s do something different. If I’m going to do pies, it has to represent my heritage — the flavors I grew up with and the people I grew up with,” sambit ni Melody.

Apat na pie flavors ang ginawa ng Sweet Condesa – ang matingkad na kulay violet na Ube Pie, Turon Pie, Calamansi Pie na maasim-asim at ang iconic Pinoy dessert-flavored na Halo-Halo Pie.

Pwedeng mag-pre-order ng mga pie na maaaring ma-pick up sa Sweet Condesa bakery sa Oakland isang araw bago ang Thanksgiving Day.

Ang presyo ng pie ay $45 each. Mas makakamura kung higit sa isa ang bibilhin. Kapag dalawa (pie duo) ay $80 lang at kung bibilhin ang apat na flavors (pie medley) ay nagkakahalaga lang ito ng $150.

Narito ang mga sangkap ng bawat pie:

Turon Pie

Turon

Creamy custard pie infused with saba and langka, baked in buttery graham cracker crust and finished with brûléed topping. Inspired by the popular merienda treat!

Halo-Halo

Halo-Halo Pie

Sweet custard pie infused with ube halaya, macapuno strips, langka, beans, gulaman and toasted pinipig in buttery graham cracker crust.

Ube

Creamy ube custard with hints of vanilla and coconut, baked to perfection in graham cracker crust.

Ube Pie

Calamansi

Sweet and tangy calamansi custard in buttery graham cracker crust. Our Filipino rendition on the classic key lime pie.

Calamansi Pie

Ang Thanksgiving Day ay ginaganap tuwing huling Huwebes ng Nobyembre. Ngayong 2020, pumapatak ito sa November 26.

Pagkatapos ng Thanksgiving Day ay isa pang popular na araw ang inaabangan sa America – ang susunod na araw ng Biyernes kung kailan ginaganap ang Black Friday, isang malaking sale event na pinipilahan ng mga tao upang makabili ng mga napakamurang mga produkto.

At kung hindi kayang bumangon kinabukasan pagkatapos ng masaganang kainan sa Thanksgiving Day, puwedeng hintayin ang Lunes para sa Cyber Monday, kung kailan ang sale event ng mga tindahan ay ginagawa online.

Imahe mula sa Woman’s World

Loading…