Pagkakahawig nina Rodjun at baby Joaquin sa kanilang baby photos, napansin ng netizens

Image by Rodjun Cruz via Instagram
  • Side-by-side baby photos nina Rodjun Cruz at baby Joaquin, pinagkumpara ng netizens
  • Marami ang nakapansin sa mga pagkakahawig ng dalawa
  • Komento ng isa, “Paglaki niya, ikaw na ikaw rin ang kamukha kuya Rodjun”

Giliw na giliw ang netizens sa side-by-side baby photos ng mag-amang baby Joaquin o Rodolfo Joaquin Diego III at Rodjun Cruz. Marami ang nakapansin sa pagkakahawig ng dalawa.

Image by Rodjun Cruz via Instagram

Saad ng isang netizen, “Parang mas cute si Joaquin, joke lang po, syempre cute din si Daddy.” Ani isa pa, “Gosh. Same na same hahaha. Mahal na mahal ka ni Dianne ibig lang sabihin hahaha.”

May nagsabi naman ng, “Paglaki niya, ikaw na ikaw rin ang kamukha kuya Rodjun.” Iba pang komento, “Wow, kuya Rodjun. Ka-look-a-like mo po ah.”

Naganap ang mga komentong ito ng netizens makaraang i-post sa IG ni Rodjun ang baby pictures nilang dalawa na magkatabi. Caption dito ng actor and dancer, “JR & III.”

Si baby Joaquin ang panganay na anak nina Rodjun at Dianne Medina, isinilang ito noong September 10, 2020.

Ang Rodolfo sa pangalan ng baby ay nanggaling sa kanyang lolo kaya “III” siya, ibig sabihin nito ay “work and strong.” Ang Joaquin ay Spanish version ng Joachim na nangangahulugang “God has established” o “lifted by YahWeh” at “supplanter” ang meaning ng Diego.

Larawan ni Rodjun na karga-karga si baby Joaquin, nag-trending: “Mahal na mahal Kita, anak ko”

Matatandaang nag-trending din sa social media ang larawan ng mag-ama habang karga-karga ni Rodjun ang noo’y kasisilang na si baby Joaquin na mahimbing na natutulog.

Image by Rodjun Cruz via Facebook

Pahayag ng actor and dancer, “Habang ika’y tulog ako’y gising nakabantay sayo. Mahal na mahal Kita anak ko @babyjoaquinilustre! #Blessed #MyLife #thebestfeelingintheworld #FatherandSon.”

“Adorable baby, has a sharp nose. Happy daddy, yoh! What a lucky baby to have a parent like you, hope you wouldn’t change. Just that granny’s not around to hold and hug her grandson, anyway she’s looking and guiding you to be a good daddy,” ang komento rito ng isa nilang kapamilya.

Image by Rodjun Cruz via Instagram

Loading…