Healthcare workers maaari nang magtrabaho abroad; deployment ban lifted na

Imahe mula sa Ang Nars Partylist
  • Deployment ban sa mga healthcare workers inalis na ni Pangulong Duterte
  • Inirekomenda ng IATF sa Presidente ang lifting ng deployment ban ng nurses at iba pang medical workers
  • May limitasyon ang bilang ng mga medical professionals na papayagang makapag-abroad – hanggang 5,000 kada taon
  • Nilinaw ni Labor Sec. Bello na kalaunan ay madadagdagan ang bilang ng healthcare workers na papayagang mai-deploy sa abroad

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na tanggalin na ang deployment ban para sa mga nurses at iba pang medical workers.

Imahe mula sa PCOO

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na lifted na ang deployment ban sa mga healthcare workers.

“Confirming the approval by the President of the IATF reso lifting the temporary suspension of deployment of nurses and other medical workers,” pahayag ni Labor Sec. Bello nitong sabado, November 21.

Ang lifting ng deployment ban ay noon pang isang linggo inirekomenda ng IATF.

Sabi ni Sec. Bello, bumabagal na ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa at gumaganda na ang kondisyon kaya’t maaari nang payagan ang mga healthcare workers na makapagtrabaho sa ibang bansa.

May limitasyon ang bilang ng mga health workers na papayagang makapag-abroad upang matiyak na may sapat na medical professionals sa bansa na magpapatuloy sa paglaban sa COVID-19.

Nakasaad sa rekomendasyon ng IATF na 5,000 medical professionals lang ang papayagang mai-deploy sa ibang bansa. Nilinaw naman ni Sec. Bello na kalaunan ay madaragdagan ang bilang na ito.

Imahe mula sa Ang Nars Partylist

“We are starting only with a cap of 5,000 so we will not run out (of medical workers), but this may increase eventually,” aniya.

Ilang netizens na diumano ay kasapi ng Ang Nars Partylist ay nagpahayag ng kanilang reaksyon sa lifting ng deployment ban at 5,000 limit ng papayagang makaalis ng bansa.

Sabi nila, hindi lubos na naalis ang deployment ban kung may limitasyon pa rin sa bilang ng mga pinapayagang healthcare workers na makapagrabaho sa ibang bansa.

Imahe mula sa Ang Nars Partylist

Loading…