Heart Evangelista bumuwelta sa nagsabing parang ‘di siya nakitang tumulong sa typhoon survivors

Image by Heart Evangelista via Instagram
  • Sinagot ni Heart Evangelista ang netizen na nagsabing parang hindi siya nagbukas ng wallet para sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo
  • Evangelista: “The camera doesn’t need to be ‘on’ for you to help”
  • Saad pa ng aktres, mas mahalaga ang points niya sa langit kaysa sa likes sa social media

Bumuwelta ang Kapuso Queen of Creative Collaborations sa post ng isang netizen na nagsabing parang hindi niya nakitang tumulong ang aktres sa mga kababayan na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Image by Heart Evangelista via Instagram

Anang netizen, “Sorry di ko ata nakita pero nagbukas na ba ng wallet si Heart Evangelista? La lang cure use lang.”

Sinagot naman ito ni Evangelista ng, “The camera doesn’t need to be ‘on’ for you to help.” Sunod niyang itinama ang spelling ng netizen sa salitang curious. [Sa ngayon ay burado na ang post ng netizen.]

Pinaalalahanan ng aktres, sa ibang tweet, ang mga tagahanga na huwag asahan na lahat ng tao ay magugustuhan sila at ang Panginoon lamang aniya ang pinakamahalagang audience na marapat tayong magpa-impress.

“Don’t expect everyone to like you. This is the most impossible task in this world but know this – they may not see your heart today but one day when you pass they will know the goodness of your heart – that’s just how it works. The only important audience to impress is God,” aniya.

Tumugon din siya sa nagsabing huwag na raw ipa-sikreto ni Evangelista ang pagtulong para makita ng mga tagahanga ang kanyang ginagawa at mahikayat na gayahin siya.

Sagot niya rito, OK ang gumawa ng awareness at ipakita ang pagtulong pero ang mga points umano niya sa langit ay mas mahalaga sa kanya kaysa sa likes sa social media. “This is my personal choice – now let’s go back to retweeting.”

Image capture by Heart Evangelista via Twitter

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Sorsogon province first lady na ipapa-auction niya ang kanyang mga favorite designer pieces sa kanyang IG store na Shop Maison Love Marie. Naibenta na niya ang isa niyang pre-loved designer item na classic Filipiniana dress ni Mark Bumgarner at hand painted ng aktres sa halagang P20,000.00.

Lahat ng mapagbebentahan dito ay maido-donate sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

Image by Heart Evangelista via Instagram

Loading…