Heart Evangelista kasama sa World’s Top 10 Luxury Influencers ng Forbes France

Image by Heart Evangelista via Instagram
  • Heart Evangelista kinilala ng Forbes France bilang isa sa world’s top 10 luxury influencers
  • “Thank you @Forbes France,” ang pasasalamat ng aktres sa pagkilala
  • Nakasama niya sa listahan si Chiara Ferragni na founder ng The Blonde Salad online magazine

Kinilala ng Forbes France si Kapuso Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista bilang isa sa world’s top 10 luxury influencers.

Image by Heart Evangelista via Instagram

Ibinahagi ito ni Evangelista sa kanyang mga tagahanga sa social media kamakailan. “Thank you @Forbes France,” ang tweet ng aktres kung saan inilakip niya ang screenshot ng listahan mula sa Forbes.

Makikita sa listahan ang Instagram account na pagmamay-ari niya (@iamhearte), ito ay may higit 7-million followers. Kasama sa listahan ang ilan pang kilalang influencers worldwide.

Nanguna sa listahan si Chiara Ferragni na siyang founder ng The Blonde Salad online magazine at designer ng Valentina Ferragni.

Dahil dito, binati ng maraming tagahanga si Evangelista. Komento ng isa, “So proud of her! She’s getting recognized left and right. Yesterday, she was the only Pinay to speak in a global summit alongside ambassadors of different countries. May feature pa sa Elle Australia. Go girl slay!”

Saad naman ng iba, “Well deserved, bine-bless talaga [ang] mabubuting tao.”

Pagbati rin ang ibinigay ng hairstylist ni Evangelista na si Jeck Aguilar. Aniya, “Our very own Asia’s style icon @iamhearte was recognized by @forbes_fr as part of top 10 most fashionable influencers alongside Chiara Ferragni. Couldn’t be more proud of you dear. Congratulations!”

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

Oktubre noong nakaraang taon ay kinilala rin ang Sorsogon province first lady bilang isa sa Top 10 Influencers ng Fashion Week kasama sina Cardi B, Christina Aguilera, Anna Kendrick, Sandara Park at iba pa. Naisama rin siya sa Vogue 100 list noong November 2019.

Samantala, muling napapanood sa GMA Network ang seryeng pinagbidahan ng aktres na My Korean Jagiya katambal ang Korean actor na si Alexander Lee.

Image by Heart Evangelista via Instagram

Loading…