Heart Evangelista sinagot ang mga nagsabing kailangan na niya ng anak

Image by Heart Evangelista via Instagram
  • Heart Evangelista sinagot ang mga netizens na nagsabing kailangan na niya ng anak
  • Aniya, “Whatever it is dear thank you for your concern but this bittersweet comment of yours is inappropriate”
  • Hunyo 2018 nang nakaranas ng miscarriage ang aktres

Wala na sigurong mas sasakit pa sa nadarama ng isang inang nawalan ng anak. Hunyo 2018 nang ibahagi ng mag-asawang Heart Evangelista at Francis Escudero na tuluyan nang nawala ang natitirang bata sa sinapupunan ng aktres. Twins kasi ang sana’y anak nila ngunit parehong nawala.

Kamakailan ay muling naipaalala sa aktres ang pagkakaroon ng anak.

Image by Heart Evangelista via Instagram

Nang magbahagi ang GMA actress at fashion icon ng mga larawan niyang kuha sa Paris habang nakasuot ng black dress, brown handbag at black high heels shoes ay mayroong netizen na nag-komento ng, “You need a baby in your life.”

Sagot naman dito ni Evangelista, “God is all you need and everything else is a bonus.” May kasama pa itong heart na emoji.

Sinundan ito ng isa pang komento mula sa isa pang netizen na, “U need a bonus then. Badly.”

Sa pagkakataong ito’y mukhang hindi na nagugustuhan ng aktres ang mga sinasabi ng netizen at binanggit na ang bittersweet na komento ay wala na sa lugar: “I’m too blessed my love, too shy to ask more from God. If He gives me one – a big thank you, whatever it is dear thank you for your concern but this bittersweet comment of yours is inappropriate.”

Image by Heart Evangelista via Instagram

Nasabi ni Evangelista Hunyo noong 2018 na walang salitang makapaghahayag sa bigat na nadarama ng kanyang puso; “There are not enough words to express how heavy my heart feels but I know it’s important to share this because it’s part of my motherhood journey.”

Saad pa nito, “I don’t question God about this sad time, I trust in His timing and plan. I hope you all understand that I’ll be taking some time off but your support and kind words will be felt, even if I’m not able to reply.”

Heart Evangelista inalala ang anak nila ni Gov. Chiz Escudero

Sa isang Instagram story, sinabi ni Heart na birthday raw sana ng anak. “Today was your birthday. Know [that] mama thinks about you.”

Image by Heart Evangelista via Instagram

Loading…