Higit 841 toneladang basura nahakot ng MMDA sa Marikina City at San Mateo, Rizal

Imahe mula sa MMDA
  • Umabot na sa 842.34 tons ng mga basura ang nahakot ng MMDA mula sa Marikina City at sa San Mateo, Rizal
  • Sinabi ng MMDA na aabutin pa ng ilang linggo bago matapos ang paghahakot ng mga basura at pagtanggal ng mga putik sa dalawang lugar na nabanggit
  • Nagpadala ng 150 personnel ang MMDA upang tumulong sa local government units ng Marikina at San Mateo sa ginagawang clearing operations

Tone-toneladang mga basura na ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Marikina City at sa San Mateo, Rizal  kasunod ng pagtama ng bagyong Ulysses sa Luzon noong nakaraang linggo na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Imahe mula sa MMDA

Ayon sa MMDA, as of November 22 ay nakahakot na ito ng 3,104 cubic meters o katumbas ng 841.34 tonelada ng mga basura sa mga apektadong barangay sa dalawang nabanggit na lugar.

Sinabi ni MMDA chairman Danilo Lim na magpapatuloy ang clearing operation na kanilang ginagawa hangga’t ang mga nasalantang lugar ay ligtas at malinis na.

“Our personnel shall continue rendering assistance to affected residents until local government units’ rehabilitation works are completed. We are always ready to help in restoring normalcy in the affected communities,” pahayag ni Lim.

Ipinabatid pa niya na hindi bababa sa 150 MMDA personnel ang ipinadala sa local government units ng Marikina City at San Mateo upang tumulong sa isinasagawang clearing operations. Nag-dispatch din ang ahensya ng mga heavy equipment tulad ng mga dump trucks at payloaders.

Ang mga areas of operation sa Marikina City ay mga Barangay Malanday, Sto. Niño at Tañong, partikular na sa Provident Village, samantalang ang areas of operation sa San Mateo, Rizal ay sa mga Barangay Guitnang Bayan, Banaba, at Sta. Ana.

Imahe mula sa MMDA

Sinabi ni MMDA Metro Parkways Clearing Group head Francis Martinez na gugugol pa sila ng ilang linggo upang matapos ang paghahakot ng mga basura at pagtatanggal ng mga putik.

“Garbage is also starting to emit foul odor so we are fast-tracking its collection. Based on our estimate, we can collect a year’s worth of trash in Marikina City from the thousands of homes affected by the typhoon in the city, aniya.

Namahagi rin ang MMDA ng mga face mask at face shield sa Barangay Malanday sa Marikina City na grabeng pinsala ang tinamo.

Imahe mula sa MMDA
Source :

Facebook, PNA

Loading…