Hindi sang-ayon sa personal na pagtira sa kapwa, Aiko ipinagtanggol nga ba si Arnell?

Image by Aiko Melendez via Instagram | Image by Pelikula Mania via Instagram
  • Aiko Melendez nag-post tungkol sa mga indibidwal na namemersonal at nanghahamak ng kapwa na naghahayag ng opinyon
  • Aniya, nalulungkot siya yamang sa personalan na napupunta ang argumento
  • Pinasalamatan ni Arnell Ignacio ang aktres ilang minuto makaraan ang post

May kanya-kanyang paniniwala ang bawat indibidwal kagaya sa larangan ng pulitika pero ang personal na pagtira o paghamak ng kapwa ay hindi tama. Ito ang inihayag ng aktres na si Aiko Melendez kamakailan na pinaniniwalaan ng marami na pagtatanggol niya kay TV personality at PAGCOR official Arnell Ignacio.

Image by Aiko Melendez via Instagram

Ani ni Aiko, “Lahat naman tayo me kanya-kanyang opinion sa pulitika. Me kanya-kanyang paniniwala pero hindi kasi ako sang-ayon na namemersonal ka sa pagtira sa kapwa mo. P’wede kasi naman ang issue is about mishandling of some things.”

Saad pa nito, kung mayroong maganda at maayos na rebuttal ang isang indibiwal ay sabihin ito nang maayos loud and clear at hindi manghamak ng iba kagaya ng pagbanggit na kalbo, pangit o may kapintasan.

Nakalulungkot, wika nito, na sa pamemersonal na napupunta ang isang argumento.

“Lahat tayo ay may kalayaan sa pagpuna ng isang pagpapatakbo sa bayan pero pag nauwi sa personal na atake, ano tawag dun? Think before you click ‘di ba. Gather facts muna. There is no harm in asking. #lowblow.”

Wala mang pangalan na binanggit ang aktres sa post ay nagpasalamat si Arnell sa aktres ilang minuto makaraan ang post.

Image by Pelikula Mania via Instagram

“Maria Kendra Melendez iba ka talaga maraming salamat,” anang government official.

Anak ni Arnell Ignacio, bumuwelta sa pasaring ni G. Tongi

Matatandaang nag-ugat ang isyu nang magkomento si Arnell sa mga artistang mahirap na umanong ipagtanggol sapagkat maraming pruweba na raw na mahina ang ulo, may yabang pa raw sa katangahan.

Binuweltahan ito ng aktres na si G. Tongi at sinabing magdahan-dahan umano ang government official sa pag-atake sa mga kasamahan sa industriya na ginagamit lamang ang boses na karapatan naman nila. Saad pa nito, Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay ‘yong di tumutubong buhok mo. Kaya tuloy naka-plugins ka.”

Imahe mula sa Instagram | G. Tongi

Loading…