“Homeless Jesus” sculpture nag-viral dahil sa 911 call ng isang concerned citizen

Imahe mula sa Brighter World
  • Homeless Jesus” sculpture nag-viral dahil tumawag sa 911 ang isang concerned citizen mula sa Ohio
  • Napagkamalan niyang isang homeless man na nangangailangan ng tulong ang sculpture
  • Na-pick-up ng local media ang insidente at nag-viral ito matapos mai-ulat

Kamakailan, ang isang life-sized bronze sculpture na tinatawag na “Homeless Jesus” ay nag-viral matapos tumawag ang isang concerned citizen sa 911 upang i-report ang isang homeless man na nakitang natutulog sa isang bench.

Imahe mula sa Community West Foundation

Ang bronze sculpture na nilikha ng Canadian artist na si Timothy Schmalz ay isang paglalarawan kay Hesus na natutulog sa isang bangko habang nakatalukbong ng kumot. Makikilala ito dahil sa mga butas sa paa na magpapaalala sa krusipiksyon. Kalat na sa maraming bansa ang mga replica ng “Homeless Jesus.”

Naganap ang insidente noong nakaraang buwan dalawampung minuto matapos ikabit ang isang replica ng sculpture sa St. Barnabas Episcopal Church sa Bay Village sa Ohio.

Isang tao na napadaan sa simbahan ang tumawag sa emergency department dahil napagkamalan niya ang “Homeless Jesus” sculpture na isang totoong homeless man na nangangailangan ng tulong.

Mabilis namang rumesponde sa tawag ang pulisya ngunit agad din silang umalis nang mapagtanto na isang gawang-lilok ang “homeless man” na nakahiga sa bench.

Screenshjot mula sa CBS video

Na-pick-up ng mga local media ang istorya kaya nag-viral ito. Dahil doon ay marami ang nagbigay ng donasyon upang matulungan ang mga homeless people.

Ang “Homeless Jesus” sculpture na kasalukuyang nasa St. Barnabas Episcopal Church ay ipinagawa ng Community West Foundation sa Canadian artist. Nagpalipat-lipat na ito sa 12 simbahan sa West Side, Cleveland simula pa noong  2018.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging laman ng balita ang bronze sculpture. Noong taong 2013, iprinisinta ito ni Schmalz sa dalawang malalaking katedral – ang St. Michael’s sa Toronto at ang St. Patrick’s sa New York – subalit tumanggi ang mga ito.

Matapos niyon ay nagtungo ang artist sa Vatican at iprinisinta niya ang “Homeless Jesus” sculpture kay Pope Francis.

Imahe mula kay Timothy Schmnalz

“The first thing he did when he saw my sculpture was he prayed, and then he blessed the piece. And to have Pope Francis bless your sculpture is one of the most amazing experiences possible,” sabi ng artist sa isang panayam noong 2013.

At noon namang May 2018, naiwasan ang isang aksidente nang ang isang waywardy truck ay huminto matapos nitong tumama sa sculpture sa harap ng St.Patrick’s Church sa Hamilton. Sinabi ng mga awtoridad na kung wala ang rebulto ay tatama ang truck sa mga taong tumatawid.

Imahe mula sa St. Patrick Parish

Loading…