Ilang mayors sangkot sa ilegal na pagtotroso at quarrying – DILG

Imahe mula sa DENR Caraga
  • Ibinunyag ni DILG Sec. Ediuardo Año na sangkot sa illegal logging at quarrying ang ibang mga mayor
  • Inatasan ni Sec. Año ang law enforcers at DENR na maghigpit sa pagpapatupad ng environmental regulations kahit sa mga local officials
  • Ang crackdown sa illegal logging at quarrying ay ipinag-utos ng DILG kasunod ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon

Kasabay ng direktiba na magsagawa ng crackdown sa mga violators ng environmental regulations, ibinunyag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang mayors ang sangkot sa illegal logging at illegal quarrying sa kanilang mga bayan.

Imahe mula sa PNA

Sabi ng kalihim, ang ilan sa mga alkalde ay direktang involved sa mga nabanggit na aktibidad at may ilan naman na nakikipagsabwatan sa mga illegal loggers kapalit ng pondo para sa eleksyon at todong suporta sa kanilang kandidatura.

“Merong mga instance na ganun, pero ‘di naman lahat. Merong hindi naman siya kasabwat, pero alam niya. Alam mo na, baka nagbibigay din ng pondo sa kampanya, sumusuporta sa kandidatura,” sabi ni Sec. Año nang tanungin tungkol sa mga mayor na sangkot sa illegal logging at quarrying.

Nanawagan din ang kalihim sa mga law enforcers at sa Department of Environment and Natural Resources na maging istrikto kahit sa mga local officials.

“Dapat paigtingin ito nationwide sa pangunguna dapat ng DENR supported by the Armed Forces of the Philippines at saka Philippine National Police. This time, dapat istrikto talaga tayo. Walang perso-personalidad dito, kahit politician ka,” wika ni Sec. Año.

Imahe mula sa Quizlet

Pinayuhan rin niya ang mga mamamayan na maging mapanuri sa pagboto ng local government officials at piliin lang ang talagang nagampanan ang serbisyo publiko.

“Dapat ang mga mamamayan natin, matuto din na ang iboboto natin ‘yung talagang siguradong seryoso, at walang bahid ng koneksyon sa anumang illegal,” panawagan niya.

Ang crackdown sa illegal logging at quarrying ay ipinag-utos ng DILG kasunod ng malawakang pagbaha sa Metro Manila, Bicol Region, Cagayan at Isabela.

Screenshot mula sa ANC video
Source :

DILG, GMA Network

Loading…