Ina Raymundo kay Julia Barretto: Maybe you’ll be my daughter-in-law

Imahe mula sa Instagram | Julia Barretto at Ina Raymundo
  • Sa kabila ng pitong taong age gap nina Julia Barretto at anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak ay boto raw si Ina sa aktres para sa kaniyang anak
  • Sa bagong vlog ni Julia ay binisto ni Ina na may crush ang anak na si Jakob kay Julia
  • Ito raw siguro ang dahilan kung bakit parang anak na ang turing ni Ina kay Julia

Hindi naiwasan ng aktres na si Ina Raymundo na tuksuhin ang kaniyang anak na si Jakob Poturnak sa aktres na si Julia Barretto nang gawin nila ang ikalawang episode ng Drink and Spill sa YouTube channel ng huli.

Imahe mula sa Instagram | Ina Raymundo

Kuwento ni Julia, itinuturing niya nang parang kaniyang mommy si Ina dahil marami na silang mga proyektong pinagsamahan kabilang na ang Vince, Kath, and James; Ngayon at Kailanman; Block Z; at I Am U.

“She’s just somebody that I call mom and I always tell her that you are my half mama and my half best friend. That’s just the kind of relationship that I was able to build with her. Not a lot of people know that we have this kind of relationship,” sabi ni Julia.

Dagdag naman ni Ina, isa siya sa mga unang nakaalam noong ipinagbubuntis pa lamang ni Marjorie si Julia.

“Back in 1996, nagkasama kami ng mommy niya, si Marjorie. Isa ako sa pinakauna niyang sinabihan na pregnant siya with Julia noon. That was August 1996. Parang that is why we are connected kasi noong nasa tummy pa lang siya ng mommy niya, alam ko na siya,” paliwanag pa niya.

Imahe mula sa YouTube | Julia Barretto

Maya-maya pa ay makikitang sumilip ang anak ni Ina na si Jakob habang nagshu-shoot sila. “Look at the very handsome son,” sabi ni Julia.

Dito na ikinuwento ni Ina ang sikreto ng anak. “Kuya, can I say that you have a crush on Julia?” Sagot naman nito, “You already said so.”

Ani Ina tila naging light bulb moment iyon sa kaniya. “Maybe you’ll be my daughter-in-law. Kaya pala ‘yong feeling ko sa kaniya, para ko siyang daughter kasi daughter-in-law ko pala siya in the future.”

“Maybe. Why not?” tugon naman ng 23 anyos na si Julia bago tanungin si Ina kung ayos lang ba sa kaniya na malayo ang age gap nila ni Jakob, 16.

“Hello, you are just seven years older. Nagka-boyfriend ako seven years younger than me. Seven years, that’s not a big deal. Just wait 10 years from now,” sabi pa ni Ina.

Panoorin ang buong vlog dito:

Source :

YouTube

Loading…