Isa ka rin ba sa mga napapakanta sa “jingle” ng SM Supermalls?

  • Namimiss nang marinig ng mga tao ang jingle ng isang sikat na mall
  • Ito ay ang promotional song o jingle ng SM Supermalls
  • Sino nga ba ang hindi pa nakarinig sa linyang “Here at SM… we’ve got it all for you!”

Isa sa mga marketing strategy ng isang produkto o negosyo ang pagkakaroon ng maganda at “catchy” na promotional jingle. At kung promotional jingle din lamang ang pag-uusapan, isa sa mga madalas na nakakabisado na, o kaya naman ay tila “sirang plaka” na paulit-ulit na naririnig sa isipan kahit nakauwi na, ay sa SM Supermalls.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media ang Facebook post ni “Julio Mallari” na nagpapakita ng lyrics ng promotional jingle ng SM Supermalls.

Imahe mula sa Facebook account ni Julio Mallari / Public Domain Image

“Come on in, look at what we got, There so much more and such a lot. Here at SM, we got it all for you! (We got it all!) Lots of excitements and bargains and fun (We got it all). Shopping convenience for everyone. At SM… its all at SM. Here at SM, we’ve got it all for you!”

Umani naman ito ng reaksyon at komento sa mga netizens na mga certified mall goers.

“Nakaka-LSS! Kinanta ko pa iyan loud and proud! Sa totoo lang mas nagagandahan talaga ako sa SM kasi convenient siya at hindi nakakahilong puntahan, unlike sa ibang malls na nakaka-intimidate at akala mo kay mamahal ng mga itinitinda,” sabi ng isa.

“Bukod sa jingle nila, gusto ko rin yung sa supermarket and hypermarket, sa go signal hihinto silang lahat tapos sasabihin nila, ‘At your service, yes!’ with matching pagpalakpak and pagtaas ng kamay. Dahil sa pandemic na ito, hindi na tuloy masyadong nakakapunta sa malls. Mas masarap manuod ng movie with family kapag nasa loob ng sinehan,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Eversince before pandemic, talagang favorite tambayan ko ang mall. Minsan nga sinasabi sa akin ng nanay ko tumira na lang daw ako sa mall, kasi as in halos araw-araw yata naroon ako. Malamig kasi saka nakakatakas tayo sa tunay na mundo sa labas. Iba ang nagagawa ng malls sa lifestyle ng mga tao.”

Isa ka rin ba sa mga nakaka-miss marinig ang jingle ng SM? Kaya mo bang kantahin?

Loading…