Isa kang bayani! Fire volunteer nailigtas ang isang bata sa sunog; nagsisi dahil ‘di nabalikan ang isa pa

Imahe mula kay Alenie Laureta Gallardo - Facebook
  • Bayani ang turing sa isang volunteer na nailigtas ang isang bata sa sunog sa Las Piñas
  • Kahit walang safety gear, pinasok ng volunteer ang bahay upang kunin ang bata sa loob
  • Halos maglupasay rin sa lupa ang lalaki dahil nabigong balikan ang isa pang bata

Itinuturing na isang bayani ng isang netizen ang fire volunteer na nailigtas ang isang bata sa naganap na sunog sa Las Piñas Lunes nang madaling araw.

Ayon sa Facebook post ni Alenie Laureta Gallardo, pinasok ng volunteer ang nasusunog na bahay sa Lopez Compound, Barangay Daniel Fajardo at nailigtas nito ang isa sa dalawang batang nakulong ng apoy sa loob.

Ang batang nailigtas| Imahe mula kay Alenie Laureta Gallardo

Ito ay sa kabila umano ng kawalan ng suot na safety gear ng volunteer na napag-alamang taga-Barangay Manuyo.

Subalit nakadama rin daw ng pagsisisi ang volunteer dahil hindi niya nailigtas ang isa pang batang tatlong taong gulang. Naglupasay pa umano sa lupa ang lalaki dahil sinisisi nito ang sarili sapagkat nabigo siyang balikan ang pangalawang bata.

Sa kabila nito, malaki ang pasasalamat ng pamilya ng batang nailigtas sa sunog.

Screenshot mula sa Facebook post ni Alenie Laureta Gallardo

“Kuya isa kang bayani ‘wag mo pong sisihin yung sarili mo,” ayon sa netizen. “Maraming salamat sayo kuya. You Are Our Hero.”

Dinala na Las Piñas District Hospital ang volunteer dahil sa kaniyang natamong mga sugat.

Napag-alaman na naiwan sa bahay ang dalawang bata kasama ang kanilang lola. Lumabas lamang umano ang ina ng magkapatid upang bumili ng diaper subalit pagbalik niya ay nasusunog na ang kaniyang bahay.

Ang magiting na volunteer| Imahe mula kay Alenie Laureta Gallardo

Kuwento naman ng lola, gumamit lang siya ng banyo at paglabas niya ay makapal na ang usok sa loob. Hindi na rin daw siya makaakyat sa pangalawang palapag upang kunin ang dalawang bata kaya lumabas na lamang siya ng bahay upang humingi ng tulong.

Pinaniniwalaang kandila ang pinagmulan ng nabanggit na sunog dahil wala umanong kuryente ang nasunog na bahay matapos hindi mabayaran ang kanilang bill sa loob ng ilang buwan.

Loading…