Isa sa mga helicopter pilots na binatikos sa ginawang “air drop” relief operations sa Cagayan, naglabas ng saloobin

Imahe mula sa Cagayan Provincial Information Office
  • Helicopter pilots na naghatid ng relief goods sa Cagayan na binatikos ng ilang netizens, dinepensahan ng PAF
  • Ipinaliwanag ng PAF kung bakit “hinulog” na lang ng helicopter ang mga relief good sa halip na personal na ipamahagi
  • Isang lady pilot ang naglabas ng kanyang saloobin hinggil sa pambabatikos sa kanila

Ipinagtanggol ng Philippine Air Force (PAF) ang mga piloto ng helicopter na nagsagawa ng “air drop” relief operations sa Iguig, Cagayan, na lubog sa baha, matapos silang batikusin ng mga netizens dahil ibinagsak na lang daw ang mga relief goods sa halip na personal na ipamahagi sa mga tao.

Imahe mula sa PAF

Nagmistula raw eksena sa pelikulang “Hunger Games” ang relief operations matapos pag-agawan ng mga tao ang mga ayuda na inihulog mula sa helicopter, sabi ng mga kritiko.

Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng PAF na si Lt. Col. Aristides Galang kung ano ang ibig sabihin ng “air drop” na ginawa ng mga piloto sa Cagayan.

Aniya, ang air drop ay isang pamamaraan na ginagamit ng mga armed forces ng iba’t ibang bansa para tugunan ang pangangailangan ng mga tao tulad ng pagkain, tubig, damit at iba na nasa mga lugar na hindi maabot ng ibang sasakyan.

Hindi umano puwedeng bumaba ang helicopter kapag walang makitang lupa na malalapagan. At kung lalapag naman ito sa malambot na lupa ay posibleng lumubog ang helicopter at madisgrasya pa.

Nakiusap si Lt. Col. Galang na sa halip na batikusin ay dapat ipagdasal ang mga piloto dahil delikado ang kanilang misyon.

Kaugnay ng mga pambabatikos sa kanila, isang lady pilot ang naglabas ng kanyang sama ng loob sa social media.

Imahe mula s Facebook account ni Shinespired Lady Pilot

Inamin ni Shinespired Lady Pilot na nasaktan siya sampu ng kanyang mga kasamang piloto sa sinabi ng mga kritiko na immoral daw ang ginawa nilang paghulog ng relief goods at bakit daw hindi na lang sila nagsama ng mga tao na personal na magdi-distribute ng ayuda.

“Hindi ko po mapigilang hindi magsalita. Nasasaktan ako sampu ng aking mga kasama. Nakakasakit kasi ng loob na may mga taong nasa silong ng kanilang komportableng bahay at walang magawa kundi panay ang tipa ng #hungergames pero hindi naman alam kung ano ang tunay sitwasyon ng ating mga kababayan na nabaha,” anang lady pilot.

Hinimok din niya ang mga kasama na huwag manahimik at hayaan silang alipustahin. Nilinaw niya na walang kinalaman ang Armed Forces of the Philipppines at ang PAF sa paglalabas niya ng kanyang saloobin.

Narito ang buong pahayag ni Shinespired Lady Pilot:

Screenshot ng post ni Shinespired lady Pilot

 

Samantala, nitong ika-19 ng buwang kasalukuyan ay nagbigay ng update anf ating lady pilot. Aniya sa kanyang Facebook post:

#hungergamesNOmore   Nakalapag na po kami. Binalikan po namin ang ating mga kababayan kung saan po nakuhanan ang video ng kumalat po na #hungergames. Masaya po sila at nagpapasalamat dahil naibsan ang kanilang gutom. Nagdala po kami ng karagdagang relief goods mula sa lokal na pamahalaan gamit po ang ating mga helicopter .

Loading…