Isang dosenang congressmen sangkot sa korapsyon sa DPWH projects – PACC

Imahe mula sa UNTV
  • Labindalawang congressmen ang sangkot sa katiwalian sa DPWH
  • Ang mga mambabatas ay nakatatanggap ng hindi bababa sa 10% sa bawat infrastructure project
  • Ang listahan ng mga mambabatas na sangkot sa DPWH corruption ay hawak na ni Pangulong Duterte

Labindalawang congressmen ang kabilang sa listahan ng mga government officials at employees na diumano ay sangkot sa malawakang korapsyon sa Department of Public Works and Highways, ayon kay Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Imahe mula sa Herald Express

Ayon kay Belgica, ilang saksi ang nagbigay ng impormasyon na ang mga mambabatas ay nakakakuha ng hindi bababa sa 10% sa bawat DPWH infrastructure project.

Ang nabanggit na listahan ng mga corrupt lawmakers ay ibinigay ng PACC kay Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit hindi sila pinangalanan ng Pangulo.

Ani Belgica, ang mga impormasyong nasa listahan ay nagmula sa mga pahayag ng government employees at mga contractor na may personal knowledge sa katiwaliang nangyayari sa DPWH.

“‘Yung isa ho naming witness na nagsasabi ‘yung tungkol sa, ‘yun nga mga connivance, porsyentuhan, and which involves of course DPWH, contractors. Tapos meron pang isa nagsasabi o ilang nagsasabi na merong mga parte ang mga legislators,” aniya.

Isa umano sa mga mambabatas na nasa listahan ay tumanggap ng kickback na P10 million mula sa isang contractor.

Isiniwalat din ni Belgica na may mga saksi na nagsasabing ang ilang proyekto tulad ng mga tulay ay may multiple funding, samantalang ang ilan sa kanila ay may nalalaman tungkol sa mga ghost projects.

Imahemula sa PACC

Bilang patunay sa kanilang mga isiniwalat, nagbigay ng mga dokumento, larawan at video ang mga saksi. Pero kailangan pa umano itong i-validate.

Sa kabila ng mga impormasyon mula sa mga saksi, hindi magawang imbestigahan ng PACC ang mga sangkot na mambabatas dahil hindi ito sakop ng mandato ng commission. Ang mga presidential appointees lang ang maari nitong silipin.

 

Loading…