Isang veteran sa Ozamiz nakatanggap ng P100,000 sa pagiging sentenaryo

  • Isang beteranong sentenaryo ang ginawaran ng cash gift sa Ozamiz
  • Nakuha niya ang kaniyang P100,000 mula sa lokal na pamahalaan
  • Ang mga beterano ay nakipaglaban noong WW2

Isang beterano ng WW2 sa Ozamiz, Misamis Occidental ang hinandugan ng P100,000 dahil sa pagiging sentenaryo matapos ang kaniyang ika-100 kaarawan noong Pebrero.

Makikita ang pag-abot ng gantimpalang P100,000 para kay Lolo Teofilo Vale Balindres sa Baybay Triunfo, na ibinahagi naman sa Facebook post ni City Councilor Dinky Suizo. Batay sa kaniyang caption, si Lolo Teofilo ang kaisa-isang sentenaryong Ozamiznon—tawag sa mga mamamayan ng Ozamiz.

Imahe mula sa Facebook account ni Dinky Suizo

“Meet Lolo Teofilo Vale Balindres of Baybay Triunfo, the ONLY CENTENARIAN Ozamiznon who celebrated his 100 years last February of 2020. The City of Ozamiz honors him with 100 thousand pesos as incentives for reaching such age, ” ayon kay Suizo.

“Thank you Mayor Ando Oaminal for such recognition. Together with the Asenso Team, we expressly pass a resolution commending his existence of 100 years.”

“LGU Ozamiz is committed to all those centenarians in our City to be given this kind of incentive and all they have to do is to inform our CSWD and we are willing to grant those who qualify,” pahayag naman ni Suizo sa panayam ng ABS-CBN News.

Si Lolo Teofilo raw ay naging master sergeant at nagretiro noong 1972. Nauna na ritong mabigyan ng P100,000 ang pamilya nito galing sa rehiyon.

“The family was happy about it because it will be enjoyed by Lolo Teofilo while he is alive,”  sabi niya.

Imahe mula sa Facebook account ni Dinky Suizo

Bukod sa 100,000 pisong cash na cash gift, nagpasa rin aniya ang lungsod ng resolusyon bilang pagkilala sa beterano sa kanyang ika-100 na kaarawan noong Pebrero 20.

Umani naman ito ng iba’t ibang pagbati at reaksyon mula sa mga netizens.

“We are very proud of you WW2 veterans… kayo ang nagtanggol sa ating bayan… how lucky am I because my 93 yrs. old father who was a veteran too is still alive,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “He deserved it! Congratulations!”

Samantala, may ilang mga netizens naman ang nagmungkahi na sana raw ay mas maaga-aga o bata-bata pang naibigay ang pabuya upang ma-enjoy pa sana ng matanda ang kaniyang gantimpala.

Sinumang umabot sa ika-100 kaarawan o sentenaryo ay may 100,000 pisong cash gift mula sa lokal na pamahalaan.

Loading…