Isinawsaw mo rin ba ang saging na saba sa bagoong with calamansi?

  • Nagulat ang ilan sa mga netizens sa larawang itinampok sa isang Facebook page
  • Larawan ito ng nilagang saging na saba
  • Maaari pala itong isawsaw sa bagoong isda na may calamansi

Tipikal na nakikita sa Pilipinas ang saging na isa sa mga paboritong prutas ng mga Pilipino. Magmula sa lakatan, latundan, senyorita, at saba ay talaga namang tinatangkilik at bentang-benta. Sa lahat ng ito, marami ang pakinabang sa saba.

Bukod sa maaaring gawing meryenda gaya ng banana cue, maruya o turon at maaari ding isahog sa puchero at bulalo, ang simpleng nilagang saging na saba ay sadyang nakabubusog na. Maaari itong isawsaw sa asukal. Subalit para sa ibang tao, mas masarap ang saging na mahilaw-hilaw pa kapag isinawsaw sa bagoong isda na may sili’t calamansi.

Iyan ang binalikan sa Facebook page na “Batang Pinoy-Ngayon at Noon.”

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Bagoong at pinagprituhan na mantika ulam na, o kanin na nilabayan ng kape okay na, nilagang kamote o saging na berde pa ay meryenda na. Sarap balikan at isipin ang simpleng pamumuhay pero puno ng saya!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow! Puwede pala iyan? We had eaten a lot of saba bananas but not with bagoong. We had nilupak, nilaga and banana cue. The bagoong is always used as a dip for a lot of vegetables or used to seasoned it for bulanglang or pinakbet.”

“Now we appreciate, but when we were kids that’s not the feeling, we’re thinking because of poverty we had no choice,” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Oo naman! Wala pa kasing lasa yung hilaw na nilagang saba. Noon kasi mahirap ang buhay kaya kinakain na iyan, lalo sa mga lalawigan. Isinasawsaw sa bagoong na may calamansi para magkalasa. Try ninyo, masarap!”

Public Domain Image

Ikaw, nasubukan mo na ba ito?

Source :

Facebook

Loading…