Jackpot prize ng Lotto 6/55 at 6/42 parehong napanalunan na

Screenshot mula sa YT video
  • Napanalunan ng isang taga-Cebu ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng P35.5-M
  • Kasabay nito nakuha rin ang jackpot prize ng Regular Lotto na P48.7-M ng mananaya mula sa Ormoc City
  • Sabay na napanalunan ang dalawang jackpot nitong Sabado ng gabi

Sa loob ng isang gabi, dalawa katao na naman ang nadagdag sa listahan ng naging milyonaryo ngayong panahon ng pandemya mula sa kanilang napanalunan sa lotto.

Unang tinamaan ng isang masuwerteng mananaya mula sa Talisay City, Cebu ang jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55 matapos mahulaan nang tama ang anim na numerong lumabas sa bola noong Sabado, October 31.

Imahe mula sa PCSO Facebook

Mag-uuwi ng kabuuang P35,543,079.20 ang nanalong taga-Cebu nang lumabas ang kaniyang numerong 18-52-17-02-54-55. Bukod dito, anim pang manlalaro ang nanalo rin ng P100,000 kada isa matapos mahulaan ang limang numero mula sa lumabas.

Samantala, makukuha rin ng isang taga-Ormoc City, Leyte ang premyo ng Regular Lotto 6/42 na nagkakahalaga ng P48,709,689.40 pagkatapos mahulaan ang anim na numerong 26-27-40-21-01-41 para dito.

Mayroon ding 21 players na nanalo ng P24,000 kada isa bilang second prize, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang dalawang jackpot prize ay napanalunan sa magkaparehong bola Sabado ng gabi.

Imahe mula sa PCSO-Facebook

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola kada araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado, habang ang Regular Lotto 6/42 naman ay kada Martes, Huwebes at Sabado.

Mabibili ang kada tiket ng lotto sa halagang P20 na lamang matapos ibaba ng PCSO ang presyo nito mula sa P24.

Para sa mga masuwerteng mananalo, maaari lamang kunin ang kanilang premyo sa PCSO main office na matatagpuan sa 605 Conservatory Bldg., Shaw Blvrd. Corner Priceton St., Mandaluyong City.

Ang bawat premyo ay kakaltasan ng 20 porsiyento alinsunod na rin sa ipinatutupad na TRAIN Law.

Loading…