Jay Sonza si Korina nga ba ang pinasasaringan sa kaniyang Facebook post?

Mga imahe mula sa Faceboo
  • Si Korina nga ba ang pinasasaringan ni Jay Sonza sa kaniyang Facebook post?
  • May binanggit kasi si Jay tungkol sa isang ‘retokada’ na wala umanong karapatang magsabi ng ‘pangit’ sa iba
  • Nag-trending kamakailan ang misis ni Mar Roxas maatapos patulan ang kaniyang mga bashers sa Instagram

Maraming netizens ang nagtatanong kung si Korina Sanchez-Roxas nga ba ang pinasasaringan ni Jay Sonza sa isang Facebook post ng huli.

Nitong Miyerkules kasi ay isang makahulugang post ang ibinahagi ni Jay Sonza sa kaniyang social media account na pumukaw sa interes ng kaniyang mga followers.

Screenshot mula sa Facebook post ni Jay Sonza

Aniya, “May karapatan o may K bang magbansag o tumawag ng pangit ang isang retokada?” “Ito ang ating “rated” na tanong ngayong umaga,” dagdag pa nito.

Dahil sa mga ‘clue’, maraming netizens kaagad ang nagsabing alam nila kung sino ang tinutukoy sa post ni Jay at ito ay walang iba kung hindi ang misis ni Mar Roxas na si Korina.

Image by Jay Sonza via Facebook

Magugunitang nag-trending si Korina matapos patulan ang mga bashers sa kaniyang Instagram post kung saan binigyang pugay ng dating Kapamilya broadcaster ang pagkapanalo nina Joe Biden at Kamala Harris sa nakaraang US election.

“A new day in America. A new day in the world. Welcome back,” ani Korina.

Ilang bashers ang nagkomento sa nasabing post at isa rito ang nagtanong: “Korina, bakit ka binitiwan ni Noynoy? Dahil ba sa plastic surgery ng face mo after your car accident?”

Screenshot mula sa Instagram post ni Korina

Hindi ito pinalampas ng broadcast-journalist at binalikan ang kaniyang bashers.

“Ahhhh baket ampanget mo? Dahil ba panget din ang parents mo?” sagot nito na sinundan pa ng, “Ah hindi po ako BOBO. Yan ang gusto ko respetuhin mo din noh! Please leave. BRUHA KA.”

Pinatulan din ni Korina ang mga commenter na hindi sang-ayon sa kaniyang post.

Imahe mula sa Facebook ni Korina

“Ah eh the whole world has an opinion about how Trump conducts himself. That is his undoing. You can’t stop opinions so please learn to respect,” giit ng dating ‘Rated K’ host.

Paliwanag naman niya sa isang nagtanong kung bakit ‘maldita’ siya sa mga bashers at hindi talaga nagpapatalo, ‘ambabastos’ daw kasi ng mga ito kaya niya pinapatulan.

Loading…