Jinkee Pacquiao may “pahugot” sa mga halaman

  • May “hugot” si Jinkee Pacquiao sa kaniyang alagang halaman
  • Nasa loob ito ng kanilang magarang tahanan
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon at papuri mula sa mga netizens

Talaga namang nahihilig sa pag-aalaga ng mga halaman ang mga tao ngayon, mapa-karaniwan o sikat na celebrity. Kaya naman nauso ang taguring “plantitos at plantitas.” Isa na riyan ang misis ni Senador Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.

Talaga namang napapa-wow ang mga netizens sa mga kuhang larawan ni Mrs. Pacquiao sa kaniyang mga classy at mamahaling halaman sa loob at labas ng kanilang tahanan, na talaga namang makatawag-pansin. Sa isa sa kaniyang mga Instagram posts, “humugot” pa siya habang nasa ilalim siya ng kaniyang “fiddle leaf fig” na nasa loob mismo ng kanilang mala-mansiyong tahanan sa General Santos City.

Imahe mula sa Facebook/Instagram account ni Jinkee Pacquiao

“Oh my fiddle leaf fig! Learn character from trees, values from roots, and change from leaves,” ayon sa caption ng kaniyang Facebook at Instagram posts.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Ang ilan, nag-post pa sa comment section ng kanilang mga kuhang larawan kasama ang kanilang mga alagang halaman, na karamihan ay nasa pasong luwad, o kaya naman ay mga succulent.

“Real trees are rooted on Earth… trees on vases withered away as soon as you do not give them your attention… lasting values are deeply rooted and nourished by Mother Earth,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Totoo ‘yan… hindi ako inggitera, pero naiinggit ako sa mga taong pinagpala. Katulad nila, may rason ang Diyos kung bakit parang pili lang ang mga nabibigyan ng ganiyang mga pagpapala, malinis kasi ang puso nilang mag-asawa at matulungin kaya umaapaw ang grasya.”

“What I see from Mrs. Jinkee Pacquiao is that she can publish books with her own quotes plus her pictures like this one,” papuri naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook/Instagram account ni Jinkee Pacquiao

Wika naman ng isa, “Wala talagang kakabog sa iyo, Madam! Halaman pa lang, yayamanin na! Stay humble and kind to your countrymen para tuloy-tuloy lang ang biyaya from God.”

Tunay na plantita nga si Jinkee dahil karamihan sa mga social media posts niya ay nagpapamalas ng kaniyang  mga magagandang alagang halaman, na hinuhulaan ng mga netizens ang presyo ng bawat isa.

Loading…