Judy Ann Santos-starrer “Mindanao”, nominado sa prestihiyosong Oscar Awards

Image by Mindanao, a film by Brillante Mendoza starring Judy Ann Santos via Facebook
  • Mindanao, nominado sa International Feature Film Category ng 93rd Film Academy Awards
  • Ito ang kauna-unahang Filipino film na na-nominate sa foreign Category ng Oscar Awards
  • Pinagbidahan ito nina Judy Ann Santos at Allen Dizon

Patuloy na dumaragsa ang pagkilala para sa Filipino film na Mindanao na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon. Ang pinakabago rito ay ang pagiging nominado nito sa ilalim ng International Feature Film Category sa ika-93 na Film Academy Awards; mas kilala bilang ang prestihiyosong Oscar Awards.

Image by Mindanao, a film by Brillante Mendoza starring Judy Ann Santos via Facebook

Bagong record ito para sa Pilipinas yamang sa kasaysayan ng Academy Awards ay wala pang Filipino film na na-nominate sa foreign feature category bago nito.

“We are pleased to announce the selection of the feature film, “Mindanao,” as the Philippines’ official entry to the 93rd OSCARS International Feature Film category,” ang mababasa sa post ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa kanilang Facebook page.

Pagpapatuloy pa ng post na may pirma ni FAP Director General Vivian Velez, “Mindanao won best picture in the most recent Metro Manila Film Festival and featured Judy Ann Santos and Allen Dizon as the lead actors, directed by Brillante Mendoza. Congratulations and best wishes!”

Kilala ang Academy Awards bilang ang pinakasikat at pinaka-prestihiyosong award-giving body sa film industry. Nakatakdang maganap ang 93rd Academy Awards sa April 25, 2021, sa Dolby Theatre, Hollywood, Los Angeles, California.

Kuwento ng Mindanano ang isang nag-aaruga sa kanyang anak na may matinding karamdaman habang naghihintay sa kanyang asawa na nagtatrabaho bilang military medical officer sa Maguindanao.

Image by Mindanao, a film by Brillante Mendoza starring Judy Ann Santos via Facebook

Judy Ann Santos, Best Actress sa Cairo International Film Festival para sa pelikulang ‘Mindanao’

Nauna rito ay nagkamit ng mga pagkilala sa 41st Cairo International Film Festival ang pelikula; sa awarding ceremony na naganap sa Cairo Opera House, Cairo, Egypt.

Itinanghal ditong Best Actress si Judy Ann, at naiuwi rin ng pelikula ang Henry Barakat Award for Best Artistic Contribution.

Image by Mindanao, a film by Brillante Mendoza starring Judy Ann Santos via Facebook

Loading…