Kahit ‘di na magtrabaho at 35, Daniel may savings hanggang apo niya, ayon kay Karla

Image by Daniel Padilla via Instagram
  • Daniel Padilla, sa edad na 35 ay may sapat na pera hanggang sa mga apo niya
  • Sabi ni Karla Estrada na siyang ingat-yaman sa kita ni Daniel, hindi palahingi ng pera ang anak
  • Plano na raw niyang ipahawak sa anak ang pera nito para matuto ito sa pamamahala ng pera

Kahit hindi na magtrabaho si Daniel Padilla pagdating niya sa edad na 35 ay mayroon na siyang sapat na pera na magagamit hanggang sa mga apo niya. ‘Yan ang pagbubunyag ng kanyang inang si Karla Estrada sa YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo.

Image by Daniel Padilla via Instagram

Ani Karla na siyang humahawak sa kinikita ng anak, “Oo, meron naman siyang savings niya na, he’s good. At 35, he’s good. Kahit hindi na siya magtrabaho hanggang apo niya, nagtabi na tayo.”

Pagkukuwento ng nanay, hindi raw palahingi ng pera ang kanyang anak. Kaya lamang, pinakamalaking pinagkakagastusan daw ng aktor sa ngayon ay ang hilig nito sa pagbili ng mga sasakyan.

“Hindi siya humihingi, pero pag humingi siya, mababa ang ano kaya kumapit ka na sa pader,” wika nito.

Pero, ani Karla, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pinagbibigyan niya ang aktor sa kanyang pamimili. Minsan ay pinapayuhan niya ito, “I sometimes say no. Kasi parang, ‘Anak, alamin mo muna kung maganda bang klase iyan.’ Binibigyan ko siya ng ano.”

Nasa plano na raw ng Magandang Buhay host na ipahawak na sa anak ang pera nito para matuto siya sa paggastos at maramdaman niya ang laki ng naibabawas dito.

“Ngayon ang gagawin ko, siya na ang paghahawakin ko ng pera niya. Para maramdaman niya ‘yung feeling na ‘pag nahawakan niya, ‘tapos babawasan niya ng ganito kalaki, mararamdaman niya ‘yung feeling na ‘Hay, sayang.

“Hindi niya kasi hawak kaya easy for him to say, ‘O, Ma, bayaran mo ‘to. O, Ma, may kukunin ako dito.”

Image by Daniel Padilla via Instagram

Sa ngayon ay 25-anyos pa lamang si Daniel. Anak siya nina Karla at Rommel Padilla.

Isa siya sa pinakasikat na artista sa Pilipinas sa kasalukuyan, at patok sa masa ang love team nila ni Kathryn Bernardo na kilala rin bilang KathNiel.

Panoorin ang vlog ni Dra. Belo:

Source :

YouTube, PEP, Push

Loading…