#BananaStory: Netizen ibinahagi ang pagtatagumpay sa pagtitinda ng baked banana bread

  • Naglahad ng kaniyang kuwento ng pagtatagumpay ang isang netizen
  • Matagumpay ang kaniyang pagtitinda online ng baked banana bread na may iba’t ibang variants
  • Hindi ito ang orihinal na negosyong binalak niya

Tunay na sinukat ng pandemya hindi lamang ang kahandaan ng sistemang pangkalusugan sa bansa kundi maging ang “resiliency” ng ating mga kababayan, na naapektuhan ng mga isinagawang community quarantines, na nagbunsod naman sa mga kompanya na magtanggal ng kanilang mga empleyado, o kung hindi man ay pinili na lamang na tuluyang magsara.

Marami na tayong narinig at nabasang kuwento ng pagtatagumpay at katatagan upang maipagpatuloy lamang ang tipikal na pamumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan at pagbabakasakali. “Suntok sa buwan,” ‘ika nga. Kagaya na lamang ng kuwento ni “Paolo Rafael Mendoza” na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook post ni Paolo Rafael Mendoza / Public Domain Image

“It wasn’t an easy start. This is my story, recognizing resilience in the midst of pandemic,” bahagi ng panimula ni Paolo, na naging matagumpay sa pinakabagong negosyong kaniyang pinasok-ang pagbe-bake ng iba’t ibang variants ng banana cake at pagtitinda nito online.

“During the first quarter of 2020 when everything was just subtle, I made a decision to leave my corporate job in exchange of a simpler yet stable living. I wanted to focus with my advocacy and grow my transport business. Yes, I have some units running for TNVS and I personally drive one of these,” salaysay niya.

Subalit dahil nga sa community quarantines at pagpapatigil sa anomang uri ng transportasyon, hindi nagtuloy-tuloy ang suwerte ni Paolo sa kaniyang bagong negosyo. Hindi maaaring huminto at kailangang optimistiko pa rin, kaya nag-isip siya ng bagong game plan. Dito na pumasok ang konsepto ng paggawa ng banana bread with a twist!

“Baking was never my passion. In fact, I thought that baking soda was for skin bleaching, coz my former housemate used to soak her body with baking soda every night for one hour to lighten her skin, and a household cleaning agent. I didn’t know that one of its variant is edible until I explored baking in June of 2020,” pag-amin niya.

Imahe mula sa Facebook post ni Paolo Rafael Mendoza

At dahil mahilig naman talaga siya sa online buying at selling, ito ang naisip niyang paraan upang maibenta ang kaniyang produkto, kahit hindi niya alam noong una kung paano ito gawin. Humingi siya ng payo at tulong sa mga kaibigan at kakilala niya. Nanood din siya ng mga videos at nagbasa ng mga blogs kung paano ba ang tamang baking dahil hindi nga niya ito interes.

Una niyang naging mga costumers ang mga kaibigan, kakilala, at mga kapitbahay, upang makakuha kaagad siya ng feedback, at ma-improve pa ang lasa ng kaniyang baked banana cake. Hanggang sa mabuo na nga ang #SagingNaLasapSarap, at tinawag niya ang kaniyang munting negosyo na “Paolo’s Home Kitchen.”

“I was scared but the feedbacks were overwhelming and that gave me the courage to continue with my newly discovered passion, which is baking,” aniya.

Pinasalamatan ni Paolo ang mga kaibigan, kakilala, at mahahalagang taong nagbigay ng suporta sa kaniya sa panahong kailangang-kailangan niya. Naging matagumpay ang kaniyang bagong tuklas na negosyo na masasabing wala naman sa kaniyang orihinal na plano.

Imahe mula sa Facebook post ni Paolo Rafael Mendoza

Sa halos apat na buwang pagtitinda online ng kaniyang baked banana cake, hindi lamang sa Metro Manila umabot ang kaniyang produkto kundi maging sa Cavite, Laguna, Rizal, Pangasinan, at Baguio City. May tatlong variants ito: plain banana bread, banana bread with chocolate chips, at banana bread with chocolate chips and walnuts.

Nag-iwan siya ng realisasyon para sa lahat.

“We may fall several times but we can always choose to stand up. Our dreams are bigger than any pandemic.. so fight and keep on believing.”

“And remember that in this life, we cannot prevent people from criticizing us. Never mind the judgment because what they are seeing from us is just the tip of the iceberg. They don’t know our vision, what’s inside us and the impact we can make. Live a life and always move forward.

Para sa mga nagnanais na maka-order ng baked banana cake, makipag-ugnayan lamang sa Facebook account ng naturang netizen.

Imahe mula sa Facebook post ni Paolo Rafael Mendoza

Pagbati sa iyo, Paolo! Isa kang inspirasyon sa lahat!

Source :

Facebook

Loading…