Kim Chiu magko-concert para sa mga survivors ng Rolly, Ulysses

Image by Kim Chiu via Instagram
  • Kim Chiu balak magsagawa ng benefit concert para sa mga survivors ng typhoon Rolly at Ulysses
  • Magiging malaking digital concert daw ito yamang iimbitahin ang mga pinakamalalaking pangalan sa larangan ng vlogging
  • Excited naman at masaya si Kim na makatulong

Gustong makatulong ni Chinita Princess Kim Chiu sa mga kababayang naging biktima ng mga bagyong Rolly at Ulysses. Nais itong isakatuparan ng aktres sa pamamagitan ng pagsasagawa ng benefit concert para sa mga survivors.

Image by Kim Chiu via Instagram

Pagbabalik-tanaw ni Kim, noong ino-offer sa kanya ng ABS-CBN ang pagsasagawa ng Bawal Lumabas digital concert ay medyo nag-alangan siya. Nagbago umano ang pananaw nang makita ang balita kaya’t iminungkahi niyang gawin itong benefit concert.

Pakiramdam umano niya ay paraan ito ng pagsasabi ng Panginoon na gawin niya ito para makatulong at masaya naman daw siya at excited dahil dito.

“I saw nga the news and the people na natamaan ng bagyo nitong huli so I’m having a virtual concert dapat on December 12 but I’m going to make it into a benefit concert so all the proceeds of that virtual concert na Bawal Lumabas since nag-start ‘yung Bawal Lumabas sa Pagtulong nung time na nag-lockdown tayong lahat,” aniya ay maibibigay sa mga nangangailangan.

Malaking concert ito, saad ni Kim, yamang iimbitahan nila ang mga pinakamalalaking pangalan sa larangan ng vlogging.

“So nasa KTX.ph siya so I invited some of the YouTube creators also to guest with me and lahat ng proceeds dun will be given sa mga Kapamilya na natamaan extremely nitong bagyo,” pahayag pa nito.

Image by Kim Chiu via Facebook

Matatandaang sumikat nang husto ang katagang “Bawal Lumabas” dahil sa kanyang mga pahayag noon kaugnay sa pagbasura sa franchise renewal application ng ABS-CBN. Ginawa mang katatawanan ay kagyat na nakabangon si Kim at nakagawa pa ng kanta mula dito na talaga namang tinangkilik ng masa.

“Bawal Lumabas” pasok agad sa Top 50 ng iTunes PH; Kim nagpaalalang huwag sumuko

Wika niya noon, “It just shows that we are all the same; we make mistakes; we are human, and as a Filipino, tinatawanan lang din natin ang pagkakamali natin lalo na pag nalampasan mo na ang problema at alam mo sa sarili mo na wala kang inapakang tao.

“Looking back, ang sarap nang pagtawanan at nasabi mo sa sarili mo. Salamat hindi ka sumuko.”

Source :

Push, PEP, DF Balita

Loading…