Kontribusyon ng informal recyclers sa kalikasan, kinilala ng Ecowaste Coalition

Image by Ecowaste Coalition via Facebook
  • Kontribusyon ng informal recyclers sa pagre-retrieve ng e-waste na sana’y didiretso sa landfills, kinilala ng Ecowaste Coalition
  • Malaki umano ang maitutulong ng ginagawa ng mga ito sa kalikasan
  • UN Report: Kahit na 2% lang ng solid waste streams ang e-waste, maaaring magrepresenta ito ng 70% ng hazardous waste na napupunta sa landfills

Kinilala ng grupong Ecowaste Coalition ang kontribusyon ng mga community-based informal recyclers sa pagre-retrieve ng mga waste electrical and electronic equipment (WEEE) na mas kilala bilang e-waste mula sa mga binahang komunidad.

Photo from Pixabay

Paliwanag ni Ecowaste Community Organizer and Campaign Officer Jover Larion, makatutulong ito para mabawasan ang volume ng mga hazardous waste na sana’y mapupunta diretso sa mga landfills.

Aniya, “Their dedication to their job and their enterprising spirit led to the removal of some e-waste from the piles of disaster debris and trash to be hauled to landfills for disposal.”

Halimbawa sa grupong tinutukoy ay ang Samahan ng mga Mangangalakal sa Bagong Silang at Samahan ng mga Mangangalakal sa San Vicente Ferrer Camarin na nakapagbenta ng 600-units ng flood-damaged TV sets mula sa mga apektadong tahanan.

Naibenta ng samahan ang cathode ray tube (CRT) television sets sa government-supported storage and dismantling facility sa Bagong Silang, Cavite. Dadalhin naman ito sa Integrated Recycling Industries, Inc. sa Calamba City para sa proper recycling and disposal.

Batay sa UN report noong 2009, kahit na 2% lamang ng solid waste streams ang e-waste, maaari naman itong magrepresenta ng 70% ng hazardous waste na napupunta sa landfills. Nasasaad pa rito na ang mga e-waste sa landfill ay nagko-contaminate sa soil at ground water na nagdadala ng peligro sa food supply systems at water sources.

Image by Ecowaste Coalition via Facebook

Kabilang sa mga tinatawag na e-waste ang lahat ng bagay na may plug, electric cord o spent batteries na mayroong hazardous substances na may negatibong epekto sa kalusugan ng tao at ng kalikasan.

Ayon sa tala ng Environment Management Bureau (EMB), nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang 32,664 metric tons ng WEE noong nakaraang taon.

Photo from Pixabay

Loading…