Kris Aquino ipinagtanggol si Angel Locsin kaugnay sa kontrobersyal na DepEd module

Image by Angel Locsin via Instagram | Image by Kris Aquino via Instagram
  • Kris Aquino naghayag ng suporta kay Angel Locsin kaugnay sa kontrobersiyal na DepEd module
  • Ani Kris, may karapatan si Angel na ipaglaban ang dignidad niya dahil wala sa lugar ang personal na atake
  • Mensahe ng sikat na talk show host: “Kagaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa’yo, hanga ako sa tatag at tapang mo”

Suportado ni Queen of All Media Kris Aquino si Primetime Queen Angel Locsin kaugnay sa kontrobersyal na “body-shaming” na DepEd module kung saan tahasang binanggit na isang “obese” ang huli.

Ani Kris, nasa tamang lugar si Angel para ipaglaban ang dignidad yamang wala sa lugar ang personal na atake rito. Mas angkop na “forum” pa sana, aniya, kung sa comment section ng social media accounts ng aktres ito binanggit.

Image by Kris Aquino via Facebook

Nabubuhay man tayo sa demokrasya at may pribilehiyo rin ang guro sa lahat ng karapatang tinatamasa natin kagaya sa malayang pamamahayag, ayon sa pamosong talk show host, sa sitwasyon kasing ito’y mahalaga ang papel na ginagampanan ng guro na siyang person in authority para hubugin ang values and character ng kanyang mga estudyante.

“In the statement, humihingi to spare the said individual from “attacks” – eh sino ba ang nagbanggit ng pangalan? Kanino ba nanggaling ang pailalim na banat? @therealangellocsin kagaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa’yo, hanga ako sa tatag at tapang mo. Isang sobrang higpit na yakap galing sa ate mong nagmamahal.”

Naiintindihan daw ni Kris na mahirap ang trabaho ng mga guro at kadalasan ay hindi sapat ang suweldo pero ang budget naman ay nanggagaling sa mga Pilipino na siyang nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis para magkaroon ng pondo ang DepEd.

“In other words, lahat tayo stakeholders dito. Kaya may mali, kung isang likas na matulungin sa kapwa ang “paglalaruan” in the guise of “pagtuturo.”

Komento ito ni Kris nang ibahagi ni Angel ang pahayag ng DepEd kaugnay sa kontrobersiya. Dito, humihingi ng paumanhin ang kagawaran sa aktres at sinabing hindi kasama ang module sa developed and quality-assured ng DepEd Central Office kundi isang self-made assessment ng guro mismo.

Image by Angel Locsin via Instagram

Bibigyan umano nila ng seryosong atensyon ang pangyayari at nakausap na ang guro. Umapela ang kagawaran na tigilan na ang lalaki sa ad hominem na atake.

Sagot ng aktres, wala siyang pakialam sa insulto. “Cheap insults doesn’t define me,” sabi nito.

“What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children. Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?” bahagi ng post ni Angel.

Image by Angel Locsin via Instagram
Source :

Instagram

Loading…