Kris Aquino nakaranas ng sintomas ng COVID matapos magpositibo rito ang kaniyang driver

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino
  • Nagkaranas ng banta ng COVID-19 si Kris Aquino matapos na magpositibo rito ang isa sa kaniyang drivers
  • Negatibo naman siya at ang kaniyang mga staff sa isinagawang PCR test
  • Dalangin ni Kris, sana ay malagpasan ng lahat ang pandemyang ito sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya

Nakaranas ng sintomas ng COVID-19 ang aktres na si Kris Aquino matapos na magpositibo rito ang isa sa kaniyang mga driver.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Kuwento ng Queen of All Media sa isang Instagram post, November 3 nang sumailalim sa PCR test ang kaniyang team dahil nakatakda siyang magkaroon ng shoot noong Nobyembre 5.

Nagpositibo sa test na ito ang isa sa kanilang driver na naghahatid- sundo sa anak niyang si Bimby at sa ilan sa kaniyang mga staff. “Normally, when I need to bring many things and we are a complete group, he drives our second vehicle,” dagdag niya.

Noong Nobyembre 5 ay sumailalim sila sa sa antigen test at nagnegatibo naman sila rito, subalit dito nagsimulang makaranas ng sintomas si Kris. “That evening, my dry c0ugh started, accompanied by s0re thr0at, and headache,” kuwento pa niya.

Kinabukasan ay natuloy sa shoot si Kris dahil batid niyang may sapat na proteksyon naman ang lahat. “Everyone would be in full PPE and N-95 masks [kaya] kakayanin namin.”

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Sa studio nagsimulang mawalan ng boses si Kris dahil sa walang patid na pag-ub0.

Sumailalim muli sa PCR test si Kris at ang kaniyang team kamakailan at masaya niyang ibinahagi na negatibo sila rito. “Thank you, God. For now, okay kami,” sabi ni Kris. Nakatakda pa muli silang sumailalim sa test para maging ganap na cleared na mula sa virus.

“To be safe, naka-isolate pa rin ako from my sons. I am keeping myself well hydrated, naka-bed rest, at ang challenge for me — total vocal rest” aniya.

“God bless all of us with the FAITH and fortitude to survive this pandemic.”

Source :

Instagram

Loading…