Kyle Echarri aminadong “sobrang halaga” sa kanya si Francine Diaz

Image by Kyle Echarri via Instagram | Image by Francine Diaz via Instagram
  • Sinabi ni Kyle Echarri na sobrang mahalaga sa kanya si Francine Diaz
  • Kyle: She knows a lot about me that I haven’t really told any other person
  • Francine: Hindi ko alam kung paano ako dati kung wala siya

Mula sa pagiging magka-love team sa top-rating Kapamilya series na Kadenang Ginto ay naging malapit sa isa’t-isa sina Kyle Echarri at Francine Diaz. Marami tuloy ang napapatanong kung may namumuong relasyon na ba sa kanilang dalawa.

Image by Kyle Echarri via Instagram

Sa isang vlog ay nasabi ni Kyle na sobrang mahalaga sa kanya si Francine, pero paglilinaw niya ay bilang kaibigan muna sa ngayon. “Well, siyempre ngayon as a friend. She knows a lot about me that I haven’t really told any other person basta sobrang halaga niya bilang kaibigan sa akin.”

Napa-react naman si Francine – na naroon din sa vlog – ng, “talaga?” sa sinabi ng aktor na mas marami na umanong impormasyon patungkol sa kanya ang nalalaman ng aktres kaysa sa iba pa niyang kaibigan

Pagpapatuloy ni Kyle, “Yeah. I mean Darren knows everything about me, but like Jayda knows everything about you, ‘di ba? Kinda like that.”

Sagot ng dalaga, “Alam mo, kayo ni Darren iisang tao lang kayo, like promise. Tapos kami ni Jayda, iisang tao lang kami. May mga nadi-discover kami sa isa’t-isa na ‘Ganyan din ako eh.’ Nasabi pa nito na si Jayda Avanzado, anak nina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado, ang English version niya na mas talented sa mga musical instruments.

“Basta sobrang halaga niya bilang kaibigan sa akin,” ang pag-uulit ng binata, at sinagot ng dalaga na ganoon din sa kanya si Kyle.

Image by Francine Diaz via Instagram

Ani Francine, may mga pagkakataon umanong hindi niya alam ang gagawin kung wala siyang mga kaibigan kagaya ng aktor. “In short, hindi ko alam kung paano ako dati kung wala siya.”

Pahayag naman ng binata, “Yeah, ‘coz there’s only a few people that you will meet that can change your life and Francine is one of those people.”

Panoorin ang vlog ni Kyle Echarri:

Loading…