KZ Tandingan masaya sa pagkakahambing kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo

  • “Feeling honored”, iyan ang nasabi ni KZ Tandingan
  • Kahawig daw siya ni Miss U PH Rabiya Mateo 

Tuwang-tuwa at feeling flattered si Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan matapos siyang ihambing ng dalawang Twitter users kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo dahil “look-a-like” daw niya.

Makikita sa Twitter post ng netizen na si “Cathy Hermosa” noong Oktubre 25, 2020 na parang nakikita raw niya ang mukha ni Tandingan kay Mateo.

Public Domain Image

“Congrats Rabiya Mateo! Is it me who thinks she looks like KZ Tandingan? #MsUniverseCreamSilk,” ayon sa caption ng naturang netizen.

Sa isa pang Twitter post, gayundin ang isinaad ni “Arlyn Barasi.” Nabanggit din ang grand winner ng Idol Philippines 2019 sa ABS-CBN.

“Ako lang ba nakapansin na hawig ni Miss Universe Ph, Rabiya Mateo si KZ Tandingan at Zephanie Dimaranan?” ayon sa kaniyang caption.

Para kay KZ, feeling honored siya na maihambing kay Mateo lalo na sa pisikal na aspeto. Iyan ang isa sa mga naging usapan sa digital press conference para sa bagong awitin nila ng mister na si TJ Monterde na “Can’t Wait To Say I do” at “Simula.”

“Oh my gosh, I think if I was only 5’8 or 5’9, I would have picked a different career. Charing! “Kung saan-saan talaga ako may kamukha, but I’m so honored na nasabihan ako na kamukha ako ng isang Miss Universe.”

Dagdag pa niya,  “Pero congratulations po kay Miss Universe, kay Rabiya, congratulations. It’s an honor po na masabihan kahit konti na kamukha ninyo po ako.”

Public Domain Image

Nagbigay naman ng reaksyon dito ang mga netizens.

“It should be an honor also to her. You’re KZ Tandingan, and you’re quite a big name yourself in the industry,” sabi ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Parang hindi naman… malayo po! More like, Sanya Lopez, Megan Young, o kaya Shamcey Supsup.”

Turan naman ng isa, “I think, oo. Magkamukha talaga sila. Promise. Parang ate niya si Miss KZ Tandingan Napakaganda nila. Parang mag-sister lang.

Sa palagay mo, magkamukha nga ba sa kanila? Magkamukha man o hindi, iisa lang ang sigurado: pareho silang “Queen” sa kani-kanilang mga piniling larangan.

Loading…