
- Laguna Lake umapaw kasunod ng pananalasa ng ba
gyong Rolly - Umabot sa mahigit 3,000 katao ang inilikas dahil sa pag-apaw ng l
awa - Naging pahirapan ang pagpapatupad ng physical distancing sa isang evacuation center
Umapaw ang Laguna Lake sa gitna ng pananalasa ng bagyong Rolly noong Linggo, November 1, na nagbunsod sa paglikas ng tinatayang 736 pamilya o humigit-kumulang tatlong libong katao. Dahil sa lakas ng hangin ay namataan sa lawa ang malalakas na alon.

Sa isang evacuation center sa Barangay Paligon sa Taguig, umabot sa 800 katao ang mga evacuees kaya naman nahirapan ang mga barangay officials doon na magpatupad ng physical distancing.
“Lahat ng nasa evacuation po, may face mask po kaso siyempre, ang hirap pa rin pong pagsabihan lahat ng tao. Talagang hahabaan pa natin pasensya natin,” ayon sa isang opisyal ng nasabing barangay
Anim na talampakan ang itinaas ng Laguna Lake sa bahagi ng Calamba, Laguna. Sa Los Baños naman ay lumampas na sa 13 feet ang lalim ng lawa dahil itinulak ng malakas na bugso ng hangin na dala ng bagyo ang tubig sa lawa mula sa bahagi ng Angono, Rizal patungo roon.
Sa pahayag ni Emil Hernandez ng Laguna Lake Development Authority Environmental Rgulations Department, ang maximum critical water level ng lawa ay 12.50 meters at kapag lumampas na doon ay babahain na ang mga komunidad sa paligid nito.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, humina na ang bagyong Rolly habang patungo ito sa dako ng West Philippine Sea. Inaasahang lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility sa Martes, November 3.