Lakas ng water release sa Magat Dam na-videohan

Screenshot mula sa video via Twitter
  • Malakas na water discharge sa Magat Dam na-videohan
  • Sinabi ng dating Kabataan representative na si Terry Ridon na hindi nasunod ang dam release protocol ng Magat Dam
  • Sabi ni Ridon 2 to 3 days bago mag-landfall ang bagyo ay dapat nang mag-release ng tubig sa Magat Dam, subalit hindi umano ito nagawa

Isang netizen ang kumuha ng video ng pagpapakawala ng maraming tubig mula sa Magat Dam, ang isa sa pinakamalaking dam sa Asya, na siyang sinisisi sa malawakang pagbahang naranasan sa Cagayan.

Imahe mula sa Cagayan Provincial Information Office

“Ito po. Para po sa kaalaman ng mga kababayan natin sa bandang Cagayan at Isabela kung gaano kalakas ang tubig…” maririnig na sambit ng netizen na kumuha ng video ng water release sa Magat Dam.

Ibinahagi ng social media user na si Goyo Y. Larrazabal sa kanyang Twitter account ang naturang video.

Tanong ni Larrazabal, “Who is in charge of releasing water from the dams?” Aniya, ganito rin ang katanungan ni dating Kabataan Partylist Representative Terry Ridon, ang chief convenor ng Infrawatch PH.

“Who is on top of dam release protocol?” tanong ni Ridon noong November 12.

Sa tweet niya noong Sabado, November 14, ipinakita ni Ridon ang Magat Dam discharge timeline. Hindi umano nasunod ang discharge protocol ng naturang dam na dalawa hanggang tatlong araw bago mag-landfall ang bagyo ay dapat nang magpakawala ng tubig ang dam. Ito ay upang maiwasan ang biglaang pagdi-discharge ng maraming tubig bago maabot ang spilling level.

Aniya, ang bagyong Ulysses ay nag-landfall noong November 11 kaya dapat nagbukas na ng dam gate ang Magat noong November 8 o kaya ay November 9, subalit November 10 na ito nagsimulang mag-discharge ng tubig.

Screenshot ng tweet ni Terry Ridon

“Magat discharge timeline: Nov 7, 8, 9, Magat gates were closed. Nov. 10, 11, 12, 2 gates opened, 4 meters. Nov. 13, seven gates opened, 24 meters. Nov 8 and 9 were 2nd and 3rd day from Nov 11 landfall. Magat protocol mandates discharge 2-3 days from landfall,” tweet ni Ridon.

Screenshot ng tweet ni Terry Ridon

Ani Ridon, dapat raw na panagutin ang mga namumuno ng National Irrigation Administration na siyang nangangasiwa ng Magat Dam.

Loading…